PROLOGUE

2.2K 59 12
                                    

+++++++++++++++++++++++++++++++
The characters and events in this book are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the author.
Copyright © 2017 by Angelito L. Pineda
+++++++++++++++++++++++++++++++
Para kay MAKY at ELI na walang sawang sumusubaybay at nag-aabang sa kuwentong ito, isang inspirasyon ang ibinigay ninyo sa akin para i dedicate ang kabuuan ng kuwento na 'to. Maraming Salamat sana magustuhan ninyo...
+++++++++++++++++++++++++++++++
+++++++++++++++++++++++++++++++

Mabibilis sa pagtakbo ang tatlong pares ng paa sa kabundukan ng Eudhoria. Mga paang sing-gaan ng mga dahon habang nagpapalipat-lipat ang mga ito sa mga naglalakihang mga sanga at katawan ng mga puno sa masukal na kagubatan.

Tila may tinatakasan ang mga ito at maingat rin sa kanilang mga kilos sa mapanganib na kagubatan. Isa sa tatlo ay babae at may dala-dalang isang bagong silang na sanggol sa kanyang dibdib. Nakapaloob ang sanggol sa isang puting tela na nakasabit at nakatali sa magkabilang balikat ng babae.

Ilang araw na rin halos wala silang tigil sa pagtakbo mula ng tumakas sa kaharian ng Elitheria para iligtas ang sanggol sa kamay ng kanyang amang hari. Ngayon ay nais nilang lumayo sa kaharian ng malupit na hari at mailigtas ang sanggol sa kanya.

Pansamantalang tumigil ang isa sa mga lalake na nasa unahan at itinaas ang kanang kamay nito at ikinuyom ang kamao hudyat ng pagtigil nila sa pagtakbo. Inamoy-amoy ng lalake ang paligid bago ibinaba ang kamao nito. Salamin ng takot at pag-aalala ang mukha ng babae habang nakatingin sa mga kasama na kayang ibuwis ang kanilang mga buhay para sa kanya at sa anak nito.

"Kamahalan, natitiyak kong ligtas na po tayo rito." Ang wika ng lalake habang hinahabol pa ang hininga.

"Kung gayon ay dito na tayo magpapahinga at magpalipas ng gabi." Ang mahinang tugon ng babae sa dalawang tagapangalaga.

"Kamahalan, kung dito na po tayo magpapalipas ng gabi ay hayaan na po ninyo akong maghanap ng ating makakain para sa hapunan. Mahihirapan na po tayo makahanap pa ng pagkain kapag madilim na ang paligid dito sa kagubatan. " Ang paghingi ng permiso ng isa sa tagapangalaga niya.

Tumango ang babae  at nagwikang:
"Sige, pero mag-iingat ka."

"Sige po, mahal na reyna, mag-iingat din po kayo."

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon