Chapter 45: QUINTA FOREST

418 23 17
                                    

Ginising ng mga pagyanig si Odessa at bahagyang nasilaw sa sikat ng araw na malapit na sa kanyang paghimbing sa gawing kanluran. Akala niya ay nananaginip lamang siya sa mga pagyanig pero ng mapansin niyang umuuga ang lupa ay nanatili muna siya sa kalsadang kanyang kinahihigan.

Anong nangyariAng tanong niya sa sarili. Pinilit niyang inaalala ang mga pangyayari bago siya nawalan ng malay. Pero ng mapadako ang kanyang mga mata sa kinaroroonan ni Randy ay kaagad siyang bumangon at ibinaluktot ang kanyang mga paa para kumuha ng puwersa para isubong ang sarili at makalundag ng may kalayuan papunta sa pinakamamahal niyang si Randy. Dalawang mapuwersang pagtalon ang kanyang ginawa at narating niya ang nag-aagaw buhay na si Randy dahil sa sugat na natamo nito sa kanyang balikat.

Pagkakita pa lamang ni Odessa sa sugat sa balikat ni Randy ay alam na niya kung anong klaseng patalim ang gumawa nito sa kanya. Mabilis na sinugatan ni Odessa ang kanyang kaliwang palad gamit ang matalim na kuko sa kanyang hintuturo. Paglabas ng dugo nito sa sugat ay kaagad na inilagay nito sa bibig ng kasintahan para sipsipin. Pero halos wala ng malay ang kasintahan dahil sa pagkalat na ng lason sa kanyang katawan.

"Randy, mahal ko kailangan mong gawin to. Tatagan mo ang sarili mo huwag kang mamamatay tarantado ka! Hindi mo ako pwedeng iwan." ang naiiyak na wika ni Odessa na labis na nag-aalala sa kalagayan ng kasintahan.

Malamig na ang maputlang balat ni Randy dahil kumalat na ang lason mula sa sandatang sumugat sa kanya. Walang bisa ang pulang likido sa kanya dahil sa dugo niya mismo nanggaling katas ng bulaklak ng Myrho.

Marahang sinampal-sampal ni Odessa ang pisngi ni Randy para hindi ito makatulog at kunin ng kamatayan.

"Hindi ka puwedeng mamatay, kailangang kailangan kita." ang pakiusap ni Odessa sa halos wala ng malay na kasintahan. Naupo sa kalsada si Odessa at sinapo ang ulo ni Randy. Hindi nito inalis ang kanyang kamay sa bibig ng kasintahan para makainom siya ng ng kanyang sariwang dugo. Pero tila huli na ang lahat at lumapaypay na ang ulo ng binata.

Parang tumigil sa pagtibok ang puso ni Odessa sa kanyang nakita. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala dahil huli na para sa kanya na mailigtas pa ang kasintahan sa kanyang kamatayan.

"Hindi,  hindi maari,  Randy! Hindi ka puwedeng mamatay.  Magsasama pa tayo, magkakaroon ng anak ng pamilya. Huwag muna, please?!" ang tumatangis na wika ni Odessa.  Pilit niyang niyuyugyog ang kasintahan para gumising,  niyayapos at hinahalikan niya ito kasabay ng pagyakap nito ng mahigpit. Napakatagal na panahon na hindi siya nagmahal. Napakatagal na panahon na naging masaya siya sa buhay niya sa piling ng pinakamamahal niyang si Randy. Pero napakaikli naman na maranasan niya ang umibig at ibigin ng isang lalakeng tunay na umiibig sa kanya. Ngayon sa isang iglap ay tuluyan na itong mawawala sa kanya.
Sa pagkakataon iyon ay hindi siya lumuha ng dugo, hindi luha ng isang Sangre ang lumabas sa kanyang mga mata.

"Randy..." ang pangalang kanyang binabanggit habang nakayakap siya ng mahigpit sa kasintahan.

Pero may narinig si Odessa na nagpatigil sa kanya sa pag-iyak. Iniangat nito ang kanyang ulo at pinagmasdan ang kasintahan.  Muli ay idinikit nito ang kanyang ulo sa kasintahan at narinig niyang muli iyon. Tumigil sa pag-iyak si Odessa at napalitan iyon ng mga ngiti sa kanyang magkabilang pisngi.

Zzzzz.... Ngorkkk....

Zzzz... Zzzz... Zzzzz

Humihilik si Randy. Buhay siya. Mahigpit na niyakap ni Odessa ang kasintahan hindi dahil sa sobrang hinagpis,  kundi dahil sa kasiyahan na nakatulog lamang pala si Randy at hindi ito namatay sa lason sa kanyang sugat sa balikat.

Umiihip ang napakalakas na hangin, kasabay ng pagdilim muli ng mga ulap sa kalangitan na tila nakikidalamhati sa dinulot ng madugong labanan.

----------------------------
Hindi alintana ni Caren ang napakalakas na hangin at maya't-mayang pagyanig sa kanilang paligid. Nababahiran ng dugo ang bagong suot na dilaw na t-shirt na ibinigay sa kanya ni Ceasar pagkatapos nitong ibinalita sa kanya na hindi na niya natagpuan pa si Alex sa kinahulugan niyang ilog. Buhat-buhat nito ang wala ng buhay na si Adrian na nilapa sa leeg ng isa sa mga taong-lobo. Hindi nila alintana ang mga pagyanig at papalakas na hangin kahit na ng unti-unting bumagsak mula sa kalangitan ang malalamig na mga patak ng ulan.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon