Chapter 5: BLAKE

761 47 9
                                    

Gusgusin ang kanyang inosenteng mukha. At sa edad na siyam na taon ay masasalamin na sa kanyang mukha ang hirap na dinanas niya sa buhay. Malalalim ang kanyang mga mata pero maganda ang hubog ng kanyang mukha. Madalas ay napagkakamalan siyang babae kaysa lalake dahil sa hitsura niya.

Matiyagang naghihintay siya sa isang waiting shed para hintayin ang mga kasama niyang naghahanap ng makakain. Simula ng mamatay ang kanyang ina ay natuto na siyang mangalakal ng mga pagkain sa mga abandonadong gusali para lang may maipakain sa dalawa pa niyang maliliit na kapatid.

Sa kanyang murang edad ay siya na ang nagsilbing ama't ina sa kanyang maliliit na kapatid dahil mula ng sumalakay ang mga anak ng buwan ay hindi pa rin umuuwi ang kanilang ama. Ang tanging kasa-kasama lang niya sa bahay na tinutuluyan nila ay ang kanilang bulag na Lola Luring.

Siya si Joven Blake Zapanta, Blake ang tawag sa kanya ng mga kaibigan at kaklase niya. Dati ay bibilugin ang kanyang katawan at hindi niya kailangang sumamang mangalakal sa mga kaibigan para lamang may makain. Kasama ang mga kapatid ay lagi silang nakaabang sa harapan ng kanilang bahay at hinihintay nila ang ama na laging may pasalubong na pagkain sa kanila.

Ngayon ay halos nangalahati na ang kanyang katawan dahil na rin sa responsibilidad na naatang sa kanya. Sobrang mahal niya ang dalawang nakakabatang kapatid. Madalas ay kahit wala ng natirang pagkain para sa kanya basta huwag lamang sila ang magutom kasama ang kanilang Lola Luring.

Batid niya na hindi siya tunay na anak ng kanyang mga magulang dahil hindi iyon itinago sa kanya. Pero minahal siya ng mga ito ng higit pa sa tunay na anak kaya sinusuklian lamang niya ang pagmamahal na iyon sa dalawa niyang kapatid na lalake na sina Maky at Eli.

Alam niya ang panganib na sinusuong nila ngayong gabi na kabilugan ng buwan lalo na't nagkalat sa paghahanap din ng pagkain ang mga aswang at wakwak sa paligid. Pero tila kamatayan din ang hatid sa tuwing nakikita nilang kumakalam ang sikmura ng mga pinakamamahal nila sa buhay. Halos nasanay na rin ang kanilang grupo na tila pakikipagpatintero sa mga anak ng dilim sa tuwang maghahanap sila ng makakain, sa araw man o sa gabi. Madalas mas nakakatakot pa nga ang mga tulad nilang tao dahil mas masahol pa ang mga ito sa mga aswang at iba pang halimaw.

Pero, may kakaiba kay Blake na kinatatakutan ng mga anak ng dilim at ng mga tao. Kaya kapag siya ang nakita sa kanyang paghahanap ng pagkain ay madalas iniiwasan na siya ng mga ito. Pero ano nga ba ang kinatatakutan sa kanya ng mga ito?

Sa kanyang paghihintay ay napansin niya na wala pa ang mga kasama niyang mga bata para manguha ng pagkain sa mga hindi pa nila nagagalugad na gusali sa bayan. Kabilugan ng buwan kaya ito rin siguro ang dahilan kung bakit hindi dumarating ang kanyang mga kasama. Hindi kasi lumalabas kapag gabi ng kabilugan ng buwan ang mga kasamahan niya dahil mababagsik ang maraming naglipanang mga nilalang ng dilim sa paligid.

Minabuti na lang niya na siya na lang ang lalakad mag-isa at para kaagad na rin siyang makauwi dahil nag-aalala rin siya sa mga kapatid niya sa bahay na tinutuluyan nila lalo na kapag ganitong bilog ang buwan.

Lumabas siya ng waiting shed at nagsimulang tunguhin ang bayan. Maliwanag pa rin ang paligid dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan. Walang gaanong bituin ng gabing iyon at tanging mga panggabing ibon ang maririnig.

Napatingala siya sa kalangitan ng mapansin ang dalawang tila higanteng paniki ang magkasamang lumilipad ilang metro ang taas sa mga puno. Tinignan lamang siya ng isa sa mga ito at saka tuluyan ng lumayo sa lugar.

Bakas sa kanang palad ni Blake ang balat na kulay pula na kusang nagliliwanag kapag may papalapit na panganib sa paligid. Korteng titik S ito na may maliit na pabaluktot ang bahaging buntot nito sa ibaba. Sa loob ng pabaluktot sa itaas na bahagi ay isang kulay bughaw na tila nagsisilbing mata na lumiliwanag kapag ligtas na ang paligid.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon