Chapter 17: STRIGOI

492 31 7
                                    

Makulimlim pa rin ang dating silid ni Claudius sa loob ng mansion nito sa Bulacan kahit na tinanggal na ni Demetria ang makakapal na kurtinang tumatabing sa mga bintana. Doon ay nakatayo si Demetria sa harapan ng ipinintang larawan ng kanyang ama na wari'y hindi siya nagsasawang titigan ang magandang mukha ng kanyang ina na kalong-kalong siya nito noong sanggol pa siya.

Malalalim ang kanyang mga paghinga na tila nanghihinayang na hindi lamang niya nakilala ang tunay niyang ina na si Gertrudes. Marahil ay mahal na mahal sila ng kaniyang ama na si Claudius dahil ilang daan taon na rin ang nakalipas ay hindi pa rin sila nito kinalimutan at dito pa sa bahagi ng mansion nakasabit ang ipinintang larawan nilang mag-ina.

Sa tingin ni Demetria ay isa ng Sangre si Claudius ng naging asawa niya ang kanyang ina dahil bata pa lamang siya ay alam ni Demetria na kakaiba siya sa lahat ng bata sa kanilang lugar. Kakaiba na wala sa mga normal na bata sa kanilang lugar kaya madalas ay hindi siya pinapayagang lumabas sa kanilang bahay. Hindi naman itinago sa kanya ng kinikilala niyang ina na si Morgana na hindi siya tunay na anak nito dahil siya mismo ang nagsabi sa kanya na namatay na ang kanyang tunay na mga magulang. Bilang isang malapit na kaibigan ng kanyang mga magulang ay tungkulin niya na siya ay kanyang alagaan. Pero, walang binanggit si Morgana na si Claudius ang kanyang tunay na ama. Ngayon ay lubos na niyang naiintindihan kung bakit ginawa iyon ni Morgana.

Sa unang pagkakataon ay nilibot niya ang kabuuan ng opisina ng kanyang ama. Pingmasdan ang paligid nito at sinubukang kalkalin ang mga drawer at cabinet sa loob ng opisina. Hinila niya ang drawer sa mesang ginagamit ni Claudius. Mula roon ay kitang-kita niya ang mg nagkalat na papel na may mga guhit na mukha ng isang sanggol na pamilyar sa kanya.

Nanginginig na dinampot niya sa kanyang kamay ang isa sa mga iginuhit na larawan. Nakasulat sa pinakailalim na bahagi ng larawan ang pangalang Sarah at ang petsang July 17, 1827 kung kailan ito ginuhit ng kanyang ama.

Tumingin-tingin pa ng mga iilang larawang iginuhit ni Claudius na ilang daang taon na rin ang tanda ng mga ito. Walang ibang iginuguhit si Claudius kundi lamang silang dalawa ng kanyang ina. Marahil ay pilit na inaalala ni Claudius ang mukha nilang mag-ina niya para hindi kailan man makakalimutan ang kanilang mga mukha.

Damang-daman ni Demetria ang sobrang kalungkutan ng lugar na iyon. Damang-dama rin niya ang sobrang bigat sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar. Halos mga antigo ang mga kagamitan sa loob lalo na ang iba pang mga naipintang larawan na nakasabit sa pader ng opisina.

Isa sa mga ipinintang larawang nakasabit sa pader ang pumukaw sa kanyang atensiyon. Pamilyar ang mukhang iyon sa kanya, hindi siya puwedeng magkamali.

"Inang Morgana?" Ang halos pabulong na wika ni Demetria pagkakita sa portrait na nakasabit sa dingding ng opisina.

Napakaganda ng pagkakapinta sa larawan ng kinilala niyang ina. Tila buhay na buhay ito lalo na ang mga mata nito na parang nangungusap sa kanya.

Nilapitan ni Demetria ang painting ni Morgana at doon napansin niyang kakaiba ang pinturang ginamit sa pagpinta sa larawan. Kapansin-pansin na tila may kakaibang amoy sa ginamit na pintura sa painting at alam niya ang amoy na iyon.

"Dugo?..." Ang sabi ni Demetria sa sarili. Pero hindi niya namamalayan na lumuluha na rin pala siya ng dugo lalo na ng maalalang wala na ang kanyang inang Morgana.

Napuno ng kanyang pagtangis ang katahimikan ng lugar. Masakit para sa kanya na makitang pinapatay sa kanyang harapan ang kanyang pinakamamahal na ina at ang may gawa pa non ay ang kanya palang ama na si Claudius.

Paano niya mapapatawad ang taong makailang ulit na ginawan siya ng masama? Paano niya mapapatawad ang taong pumatay sa kanyang kinikilalang ina kahit pa ito ang kanyang tunay na ama?

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon