Ilang oras na rin sa paglalakad ang mga kawan ng mga taong-lobo sa magubat na bahagi ng Bulacan. Naging alerto sila ng biglang umalingasaw sa paligid ang amoy ng mga bampira.
Naging mapagmatyag ang lahat ng tumigil sila para ihanda ang sarili sa pag-atake ng mga bampira. Sa pang-amoy ni Ceasar ay hindi pangkaraniwang bampira ang naaamoy nila sa paligid. Kakaibang amoy na tanging mga matatandang miyembro lamang ng mga taong-lobo ang makakapagsabi kung anong klaseng bampira ang nasa paligid.
"Strigoi..." Ang biglang saad ng pinakamatandang miyembro nila na si Emiliani de Luca.
Pagkarinig ng mga taong-lobong naroroon ay masasalamin sa kanila ang takot sa kanilang mga mukha.
"Strigoi? Paanong nagkaroon ng Strigoi dito sa Pilipinas?" Ang tanong ni Ceasar na kaikitaan ng pag-aalala sa kanyang mukha.
Napuno ng bulong-bulungan ang buong kapaligiran dahil na rin sa pangamba sa nabanggit na mga nilalang.
"Yun din ang alam ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ng huling nakasagupa namin ang mga Strigoi sa Italya halos isang daang taon na ang nakakaraan. Isang libong mga taong-lobo laban sa sampong bampirang Strigoi. Sa isang libo tanging ako at si Albertus na lamang ang natira." Ang seryosong wika ng matandang Italyano sa mga kasama.
"Kailangang tayo na ang umiwas sa mga Strigoi hangga't maaari kaya sabihan ang taong nagmamaneho ng sasakyan na bilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan. Ayoko na malagasan pa tayo ng kahit isa man lang sa mga kalahi" Ang kaagad na utos ni Ceasar.
Isa sa mga taong-lobo ang mabilis na tumakbo upang puntahan si Alex na nagmamaneho sa SUV.
Inaantok-antok pa si Alex dahil na rin sa halos walang tulog na pagmamaneho. Tulog rin ang mga kasama niyang mga bata at ang kanyang asawa sa loob ng sasakyan ng mga sandaling iyon.
Halos mapalundag siya at mawala ang antok ng marinig niya ang malakas na pagkalabog sa nakasarang salamin ng pintuan ng sasakyan. Napatingin siya sa bintana ng ng SUV at kaagad na binuksan ang ito ng makita ang isa sa mga taong-lobo na gustong kumausap sa kanya.
Kaagad na lumapit sa bintana ang may katangkarang lalake at balbas sarado na isa sa mga taong-lobo.
"Sabi ni Ceasar ay bilisan mo na ang pagpapatakbo!" Ang matigas na sabi ng lalake na may kakapalan ang boses."H...ha? Bakit raw?!" Ang nagtatakang tanong ni Alex sa lalake.
"Basta sumunod ka na lang. Para sa kapakanan niyo rin ito at baka hindi mo pa magustuhan ang mangyayari kung saka-sakali." Ang tugon ng lalake na tila nagbibigay ng babala sa kanya.
Ngunit, hindi pa man niya nagawa ang iniuutos sa kanya ng lalake ay isang kakaibang nailalang ang nakatayo sa gitna ng daan. Napilitang tapakan ni Alex ang preno ng sasakyan para tumigil ito dahilan para magising ang asawang si Isabel at ang tatlong bata sa loob ng SUV. Natulala si Alex sa kakaibang nilalang na noon lamang niya nakita. Mahigit sa anim na talampakan ang taas nito, walang buhok ang kanyang ulo at maputla ang puting balat sa buong katawan. Matatalas ang lahat ng ngipin, maiitim ang mga mata at halos pumutok ang mga kalamnan sa laki ng kaniyang katawan.
Sa unang tingin pa lang ni Alex ay kakaibang takot na ang kanyang nararamdaman. Takot na tila mas nanaisin pa niya ang mamatay kaysa harapin ang nakakatakot na nilalang.
"...Strigoi!" Ang sigaw ng taong lobong kausap lang ni Alex.
Pagkarinig sa sigaw ay biglang nagkagulo ang mga taong-lobo sa kalsada at bakas ang takot sa kanilang mga mukha. Inihanda nila ang kanilang sarili sa pakikipaglaban para maipagtanggol ang kanilang angkan.
Biglang tinapakan ni Alex ang clutch ng sasakyan at pinaharurot nito ang sasakyan. Sasagasaan niya ang kinatatakutang nilalang. Sasagasaan niya ito at alam niyang walang laban ang lalake sa metal na sasakyan. Pero, paglapit ng SUV sa Strigoi ay walang kahirap-hirap na nahuli nito ang sasakyan at tila napakagaan lamang nitong binuhat sa kanyang dalawang kamay.
BINABASA MO ANG
ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner)
FantasyFILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic) Pagkatapos maibalik ang alaala ni Odessa dela Rosa sa tulong ni Demetria ay sunod-sunod na dagok ang dumating sa kanyang buhay. Una ay ang...