Chapter 11: CAREN'S FATE

654 42 14
                                    

Sa isang abandonadong gusali ay nakahiga ang natutulog pa ring si Caren. Nababalutan ng puting benda ang kanyang balikat at hindi pa rin gumigising pagkatapos ng naging duelo nila ng lalaking Alpha.

Hindi siya pinahintulutang sa loob ng Santuaryo para gamutin dahil na rin sa pangambang ano mang oras ay puwedeng magpalit na ng anyo ang babaeng pulis bilang isa ng taong-lobo.

Nasugatan siya ng nakalaban niyang lider ng mga taong-lobo at sapat na iyon para pumasok sa katawan ni Caren ang kamandag na magpapabago sa anyo niya.

Ang mga pulutong ay kasalukuyang naghihintay kay Caren para gumising. Hihintayin siya para sundin ang kauna-unahang utos ng bagong Alpha, bilang lider ng kanilang angkan.

Sumunod naman ang mga taong-lobo sa kanilang pangako sa mga tao sa Santuaryo. Wala silang ginalaw sa mga tao at nananatiling hindi kumakain simula ng mawalan ng malay si Caren dahil sa epekto ng kamandag ng napatay niyang lalakeng Alpha.

Marami ang nadismaya at tutol sa pagiging Alpha ni Caren sa mga pulutong pero ang batas ay batas. Kamatayan ang parusa sa mga sumuway sa pakikipagkasundong ginawa ng isang Alpha. Napakasagrado ng salita ng isang lider na dapat nilang irespeto at sundin.

May iilan sa mga ito ang nagtatangkang agawin ang liderato kay Caren sa pamamagitan ng pagpaplanong pagpatay sa kanya habang natutulog pa ito. Pero laging nakabantay sina Father Mexo at ang dalawang kasama niya, sa gusali na kung saan nagpapagaling si Caren kaya bigo sila na maisagawa ang plano. Sa kasaysayan ng kanilang angkan, ngayon pa lamang tinalo ng isang mortal ang isang lalaking Alpha sa pamamagitan ng isang duwelo. Ang nakakababa pa sa kanilang pagkatao ay isang babaeng mortal pa ang tumalo sa kanilang lider. Isang kahihiyan na magmamarka sa kasaysayan ng mga taong-lobo.

Nang hapon na iyon ay nagkaroon ng pagpupulong sa Santuaryo na ipinatawag ni Kapitan Ben para sa kung ano ang magiging desisyon nila kay Caren bago pa man ito gumising at makapagpalit ng anyo. Naiwang nagbabantay sina Raul at Kiel sa wala pa ring malay na si Caren para maproteksiyonan pa rin ito sa mga nagtatangkang umagaw sa kanyang liderato bilang bagong Alpha.

Nagpupumilit sanang magbabantay rin sina Adrian at Margaux pero hindi pumayag si Father Mexo sa kagustuhan ng dalawang bata. Kahit na ayaw ay walang nagawa ang dalawang batang malapit kay Caren.

Bago nagsimula ang pagpupulong ay binisitang muli ni Alex si Caren. Hindi Matanggap ni Alex na sa ganitong sitwasyon niya makikitang muli ang babaeng pulis. Ni hindi pa niya ito napapasalamatan ng personal lalo na sa makailang-ulit siyang iniligtas nito at ngayon naman ay ang kabayanihang ginawa niya para mailigtas lahat ang mga tao sa Santuaryo sa mga kamay ng mga taong-lobo. Isinakripisyo niya ang sarili para sa kaligtasan ng mga taong naroroon.

Marahan ay hinawakan ni Alex ang kamay ni Caren. Napansin niya ang sobrang init ng kamay nito at napatitig siya sa kakaibang pagkagaspang ng palad nito. Nagbabago na nga ang anyo ni Caren, umeepekto na ang kamandag ng taong lobo sa kanya.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Alex ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o matutuwa sa mga nangyayari.

Natutuwa siya dahil natagpuan niyang buhay ang kanyang asawa. Natutuwa siya dahil nailigtas ni Caren ang Santuaryo at mahigit sa dalawang-daang katao ang nailigtas sa bagsik ng mga taong lobo. Pero nalulungkot siya dahil sa naging kapalaran ng babaeng naging parte na rin ng kanyang buhay, kapalarang tila isang sumpa habang siya ay nabubuhay.

Labis naman ang kanyang kalungkutan dahil nakasalalay ang buhay ngayon ni Caren sa magiging desisyon ng mga tao sa Santuaryo.

"Lumaban ka Caren, alam kong malakas ka. Huwag mong hahayaang mawala sa isipan at puso mo sina Adrian, si Margaux, si Jhayvee at ako..." Ang mahinang sabi ni Alex sa natutulog na si Caren.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon