Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY

703 41 7
                                    

Nakatayo si Odessa sa isang burol na kung saan ang ilalim nito ay ay isang napakatarik na bangin na punong-puno ng mga naglalakihang mga bato. Wala siyang makitang mga puno at mga berdeng damuhan, tanging mga tuyo at mga tuhod na mga dating bahagi ng mga puno sa kagubatan ang unti-unting tinatakpan ng mamula-mulang buhangin.

Biglang lumakas ang ihip ng napakainit na hangin. Unti-unting naging kulay dugo ang kalangitan at nakakatakot ang mga kumpul-kumpol na mga ulap na tila nagbabadya ng trahedya. Isang ipu-ipong apoy ang biglang namuo sa gawing hilaga at tinutupok nito ang bawat madaanan. Dinig na dinig niya ang nag-aalimpuyong lakas ng hangin na hindi lamang nagpapatumba sa mga dinaraanang mga puno, kundi lahat ng daanan nito ay nagiging abo sa tindi ng init ng apoy.

Sa kanyang nasasaksihan ay ngayon lamang nakaramdam ng sobrang takot si Odessa. Hindi niya maintindahan kung bakit nangyayari ito sa kanya. Sinubukan niyang tumakbo papalayo para ikubli ang kanyang sarili sa napakalaking apoy na gawa ng ipu-ipo pero naalala niya na siya mismo ay isang alagad ng apoy. Hindi siya tinatablan nito pero nararamdaman niya ang sobrang sakit ng pagkapaso mula rito.

Lalo pang lumalaki ang apoy dahil sa ginagawang pagkalat ng palaki ng palaking ipu-ipo. Biglang yumanig ng napakalas sa kinatatayuan ni Odessa. Dumadagundong ang paligid sa sobrang lakas ng pagyanig. Nawalan ng balanse si Odessa at bumagsak sa kanyang kinatatayuan.

Nagulat siya sa kanyang nakita dahil ang kanyang kinatatayuan pala ay isang bundok ng mga kalansay. Mga kalansay ng mga tao, daang libo o milyong kalansay ng tao na hindi maintindihan ni Odessa kung bakit mayroon ganoon karaming buto ng mga tao ang naroroon.

Biglang nagkaroon ng mga pagdagundong sa lupa at napatingin siya sa mga kabundukan na parang may kung anong puwersang tumitibag sa mga ito.

Mula sa napakapulang kalangitan ay biglang nagbagsakan ang mga bola ng apoy at tumupok sa mga makakapal na puno sa mga kabundukan. Dahil sa sobrang init ay biglang nabiyak ang lupa sa mga kabundukan at lumabas mula rito ang isang dambuhalang ibon na nababalutan ng bughaw na apoy.

Biglang humuni ito ng napakatining na boses na halos bumasag sa pandinig ni Odessa. Naramdaman niya ang sobrang nakakapasong init sa loob ng kanyang katawan na pakiwari niya ay gustong kumawala sa katawan niya at lalamunin din ang kanyang katawan hanggang maging abo.

Dinig na dinig ni Odessa ang sigawan ng mga tao. Mga sigawang tila naging panaghoy. Mga panaghoy ng mga bata at matatanda, lalake at babae na parang hirap na hirap at desperado ng kitilin ang kanilang mga buhay dahil sa sobrang sakit na kanilang nararamdaman na dulot ng sobrang init.

Kitang-kita niya ang mga lungsod na nilalamon ng apoy at naroroon na tila tuwang-tuwa sa kanyang paglipad ang Baguisan na kilala rin sa tawag na Dragon Phoenix na pamilyar sa kanya pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.

Habang nilalamon ng apoy si Odessa ay nakatingin sa kanya ang Baguisan, na bawat madaanan nito ay tinutupok ng apoy hanggang sa maabo.

Mula sa katawan ni Odessa ay may tila mga lubid na gawa sa apoy ang naglabasan at kumapit sa katawan ng Baguisan o ang maalamat na Dragon Phoenix na hinihigop ng kanyang katawan. Muling humuni ng nakakabinging tinig ang Baguisan at ang kanina'y kulay bughaw na apoy nito ay napalitan ng kulay pula.

Nakatingin pa rin sa kanya ang Baguisan at kitang-kita ni Odessa ang kanyang Imahe sa mata ng mala-alamat na ibon. Imahe ng isang babaeng punong-puno ng poot at bagsik ng hitsura.

"Ikaw at ako ay iisa..."

Ang sabi ng isang tinig na tila binubuo ng napakaraming maliliit na kampanilyang sabay-sabay na pinapatunog.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon