Chapter 41: DEATH BY BLOOD

414 29 3
                                    

Lumakas ang pagyanig sa kapaligiran at mula sa pampang ng ilog ay bumuka ang lupa. Iniluwa nito ang isang dambuhalang nilalang na may tatlong sungay, siya si Behemot ang diyos ng kasamaan isa sa mga anghel ng Diyos na itinaboy sa Kalangitan kasama si Lucifer at iba pang mga anghel na nag-aklas. Umaapoy ang mapupulang mga mata at halos pumutok ang mga naglalakihang mga kalamnan sa dibdib at braso. Hawak hawak nito ang isang napakalaking palakol na gawa sa napakatibay na metal bilang kanyang sandata sa pakikidigma. Umuusok ng maitim ang tuktok ng ulo nito dahil sa galit. Dumadagundong ang pag-atungal nito at nakatingin ang mga nagliliyab na mata kay Sitan na kasalukuyang bumabangon mula sa talahibang kanyang kinabagsakan. Kaagad ay lumuhod sa damuhan si Sitan at idinikit ang kanyang ulo sa damuhan kasama ang dalawang kamay nito upang magpugay at humingi ng paumanhin kay Behemot. Hindi lubos maisip ni Sitan kung anong pagkakamali ang ginawa nito para magalit sa kanya ang kaniyang panginoon at lulusubin pa sa gitna ng kaniyang pakikipaglaban.

"Walang kahit na sino ang puwedeng manakit sa aking anak, kahit na ikaw na kanang kamay ko!" Ang mala-kulog na boses ni Behemot kasabay ng pagwasiwas nito sa ga-higanteng palakol sa harapan ni Sitan.

Sumambulat ang lahat sa paligid na kung saan dumapo ang patalim ng palakol, kasama sa mga tumilapon ay si Sitan. Lahat ng dinaanan ng pagsabog ay tumumba sa lupa dahil sa sobrang lakas ng kapangyarihan nito. Hindi pa man bumabagsak sa lupa sa pagkakatilapon si Sitan ay ginamitan siya ng kapangyarihan ni Behemot para tumigil ito sa ere at mabilis na hinila ng kung anong puwersa papalapit sa diyos ng Kasamaan.

Hindi makapalag si Sitan sa lakas ng kapangyarihan ni Behemot. Wala siyang magawa para gamitin ang kapangyarihan nito.

"Panginoong Behemot, panginoon... Kung ano man pong pagkakamali ang nagawa ko ay humihingi po ako ng inyong kapatawaran. Patawarin na po ninyo ako...patawad po." ang sumisigaw na wika ni Sitan habang lumulutang siya papalapit kay Behemot.

"Hindi mo alam ang ginawa mo Sitan? Hindi mo alam ang ginawa mo sa aking nag-iisang anak?" Ang tugon ng galit na galit na si Behemot.

"A...anak? Sino pong anak panginoon? Hindi ko po alam na may anak kayo. " ang takot na takot na tugon ni Sitan.

"Hindi mo alam?! Bakit hindi mo alam gayong isa ka rin katulad kong diyos? Ngayon ay makikilala mo na kung sino ang nag-iisa kong anakang kinalulugdan at pinakamamahal kong anak, si Odessa. " ang buong pagmamalaking wika ni Behemot sabay turo kay Odessa na kaka-ahon pa lamang sa pampang ng ilog.

"Si Odessa?  Siya si Odessa ang babae sa propesiya? Panginoon,  hindi ko po alam na siya ang inyong anak,  kung alam ko lamang ay hinding-hindi ko magagawang saktan ang inyong anak." ang paliwanag ni Sitan na takot na takot pa rin sa nilalang sa kanyang harapan.

"Ngayong alam mo na ay nararapat lamang na paglingkuran siya na tulad sa paglilingkod sa akin!"

"Pe...pero panginoong Behemot, ang propesiya. Siya ang magiging dahilan ng inyong pagbagsak at ng mga anak ng buwan." ang paalala ni Sitan kay Behemot na di makatingin dahil sa takot.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon