Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY

481 28 2
                                    

Tumatagos ang napakaliwanag na sikat ng araw sa mga naglalakihang bintana ng pinakamagandang kastilyo sa isla ng Murcia. Ang kastilyo ng mga maharlika ng Ishindalor sa Parnangan.

Halos sabay-sabay sa paghakbang ang may dalawampung pares ng paa na tila inililipad ng hangin habang bimabaybay ang kahabaan ng bulwagan. Lumilikha ang mga ito ng malulutong na tunog na gawa ng kanilang mga takong sa suot nilang sapatos na pandigma sa napakakinis na sahig na gawa sa itim na krystal.

Sa gawing unahan ng mga deligado ay nakatuon ang atensiyon nila sa napakagandang babae na nakasuot ng puting kasuotan. Marami napanganga sa kanyang kagandahan at ang napakahaba at napakaitim na buhok. Napakalambot na isinasayaw ng mahinang hangin ang suot niyang damit habang naglalakad ito sa gitna ng napakalawak na bulwagan. Sa kanyang harapan ay ang napakakisig na si Anilaokan na buong tapang na nilalakad ang bulwagan papunta sa dalawang maharlikang nakaupo sa gawing dulo ng bulwagan.

Nakakamangha ang ganda ng lugar na animo'y nakalutang sa kalawakan ang sino mang naroroon sa gitna ng mga nagkikislapang mga bituin.

Hati naman ang reaksiyon ng mga tao sa loob ng bulwagan na nabigla rin sa di inaasahang pagdalaw ni Anilaokan sa kanila. Lahat ay nakatayo sa magkabilang bahagi ng bulwagan habang tahimik na nakamasid sa pagdating ng mga ito.

Kapansin-pansin din ang kagandahang taglay ni Laurea o Mariang Sinukuan, ang isa sa pinaka hinahangaan nilang diwata sa ikatlong mundo. Pero ang labis nilang pinagtatakhan ay kung bakit kasama ang matuwid na si Mariang Sinukuan. Matigas ang hitsura ng kanyang mukha na labis na ipinagtataka ng mga taga Parnangan. Maamo ang mukha at palangiti si Mariang Sinukuan na kakilala nila, pero kabaligtaran ng diwatan na naglalakad sa harapan nila ngayon.

Tumayo ang hari at ang kanyang Reyna nang makalapit sa kanilang harapan sina Anilaokan at Mariang Sinukuan. Nagbigay pugay ang Hari at Reyna sa dalawa at sumunod rin sa kanila ang lahat ng mga naroroon sa loob ng palasyo. Lahat ay yumuko para kilalanin ang pagdating nila bilang mga panauhin.

Nanatili naman ang sampong mandirigmang Labuad sa likuran nina Anilaokan at tumayo ng naayon sa mga kawal ng dakilang Anilaokan. Ang natitira pang sampu ay nanatili sa kalagitnaan ng bulwagan at inalerto ang mga sarili.

Humakbang ang hari papalapit kina Anilaokan at Mariang Sinukuan na kapansin-pansin sa mukha nito ang pagaalala. Wala siyang kaalam-alam na biglaan ang pagbisita ni Anilaokan na labis niyang ikinababahala. Hindi bibisita si Anilaokan kung wala itong kailangan sa kanya. Ito ang pangalawang pagbisita ng lalakeng diwata bago ito mapatay ng isang mortal na tao libong taon na ang nakakaraan.

Sinubukang magsalita ng hari ngunit walang lumabas na boses mula sa kanyang bibig. Natigilan ito at tila nag-iisip kung ano ang sasabahin nito sa kanya. "...is...i...isang, mapagpalang umaga sa'yo dakilang Anilaokan at Ma...Mahal na Mariang Sinkuan, ano ang napakaimportanteng dahilan at biglaan ang inyong pagparito sa aming kaharian?" ang lakas-loob na tanong ng hari kay Anilaokan. Halata rin ang takot sa mukha ng asawang reyna ng lalake dahil sa mahigpit na pagkakakapit nito sa braso ng asawang hari.

Tumingin si Anilaokan sa mata ng hari. Matigas ang mukha nito at tila seryoso ang kanyang pagsadya sa kaharian ng Ishilandor. Humakbang ng dalawang ulit si Mariang Sinukuan at pilit na ngumiti sa hari. Kaagad na nagbigay pugay ito sa hari at Reyna ng kahariang iyon.

"Isang mapagpalang umaga rin sa'yo haring Makatarem at reyna Wada. Naparito kami para kausapin kayo ng ating dakilang Anilaokan tungkol sa katapatan ng kahariang ito sa ating pinakamamahal na si diyosang Bulan." ang napakalamig na boses na wika ni Mariang Sinukuan sa mag-asawa.

Nagtinginan ang hari at reyna sa kanilang narinig mula kay Mariang Sinukuan at napalunok ang hari bago niya naibuka ang kanyang bibig para magsalita. "Di...diyosang Bulan? Sandali, teka naparito kayo dakilang Anilaokan para lamang alamin ang katapatan namin kay diyosang Bulan? Alam naman ninyo na ang katapatan ng kahariang ito ay kay Amang Bathala lamang." ang tugon ng kinakabahang hari na si Makatarem.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon