Chapter 51: ERISE

365 23 6
                                    

Suot niya ay gunit-gunit na itim na damit at kupas na pantalong maong na halos dalawang ulit pa lang niyang nalalabhan simula ng unang lumusob ang mga anak ng buwan sa Maynila. Marungis ang dati'y makinis nitong mukha at nakatuon ang mga mata sa isang maliit na bote na hawak-hawak ng kanyang kanang kamay. Sinisipat-sipat ng kanyang mga mata ang kakaunting laman nito at maya't-maya ay napapabuntong-hininga na tila nanghihinayang. Paya't at nangingibabaw sa kanyang mukha mataas nitong cheek bone, matangos na ilong at buhok na hanggang balikat na bumabagay sa mahaba at payat niyang leeg.

Marahan ay tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at buong lakas na ibinato ang hawak na bote sa maitim na pader sa kanyang harapan. Dinig pa niya ang pagkabasag ng bote ng tumama sa konkretong pader kasabay ng pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. May taas siyang halos anim na talampakan at payat na pangangatawan na lalong nagbigay sa kanya ng higit na tangkad kung ikukumpara sa mga pinay na kasing edad niya.

May ilang buwan na rin siyang palipat-lipat ng masisilungan simula ng mangyari ang paglusob ng mga nilalang ng kadiliman. Kung hindi sana nangyari ito ay tuloy-tuloy na sana ang kanyang kasikatan sa industriya ng pag-arte sa TV at pelikula, maging sa kanyang pagrampa sa mga runway sa iba't-ibang bansa.

Kung hindi sana nangyari ang lahat ng ito, naroon sana siya sa Hollywood sa Los Angeles sa Amerika, gumagawa ng una niyang pelikula doon kasama si Morgan Jackson, ang isa sa pinakasikat na Hollywood actor ngayon sa Amerika. Siya ang kanyang magiging leading man na bibida sa pelikulang may mala-James bond ang tema. Ilang buwan din siyang nagsanay ng iba't-ibang martial arts para lang sa pelikula na iyon. Halos hindi siya makatulog dahil sa pananabik niyang masimulan na ang gagawing pelikula sa Hollywood na pinapangarap ng lahat ng mga artistang Pilipino. Napakaswerte niya na siya ang napili ng bilang leading lady ng Amerikanong aktor na personal pang bumisita sa kanya sa Maynila. Aaminin man niya o hindi ay sabik din siyang makasama ang guwapo at matipunong aktor na si Morgan na nagbibigay ng kilig sa kanya kahit doble ang edad ng lalakeng aktor sa kanya. Abot-kamay na sana niya ang pangarap na iyon pero isang araw bago ang flight niya papunta sa Hollywood nangyari ang kaguluhan sa buong mundo. Biglang gumuho ang lahat-lahat sa kanya sa isang iglap.

Namatay ang kanyang minamahal na ina ng atakihin ito sa puso habang tumatakas sila sa mga anak ng buwan sa Quezon City. Ang kanyang dalawang kapatid ay hindi na niya nakita dahil ng araw na iyon ay nagpaalam ang mga ito na manonood ng sine sa Mega Mall. Hindi niya alam kung buhay pa ba ang mga ito o hindi na dahil maging siya ay hindi na rin nakabalik sa bahay nila sa Quezon City. Pero umaasa pa rin siya na makikita pa niya ng buhay ang dalawa niyang kapatid.

Humingi siya ng malalim mula sa mga alalaanin na iyon na nagpabago sa kanyang buhay. Mula sa napakarangyang buhay sa isang iglap ay daig pa niya ang isang daga na palipat-lipat at patago-tago para lamang manatiling ligtas sa mga kampon ng kadiliman. Dati-rati ay nakahapag na sa kanyang mesa ang kanyang kakainin ngayon ay daig pa ang isang mangangaso na kailangan pang suungin ang hirap at panganib magkaroon lamang ng laman ang kumakalam niyang sikmura.

Mahigit isang buwan na rin siyang naninirahan sa gusaling ito sa bahagi ng San Marcos sa Calumpit, Bulacan. Dito lamang siya nakaramdam ng pagiging ligtas dahil may lihim na kuwarto ang gusali na kanyang pinagtataguan kapag gumagala ang mga kampon ng kadiliman para makahanap ng mabibiktima.

Aksidente niyang nahanap ang lihim na silid ng makapasok siya sa gusali para maghanap ng pagkain. Sa kanyang paghahanap ay hindi niya sinasadyang natisod ang carpet sa sahig at nakita nitong bukas ang pinto ng isang lagusan sa ilalim ng bahaging iyon ng bahay. Naaninag niya na tila may hagdan pababa ang maliit na butas na tila pintuan nito na kinukubli ng makapal na karpet sa ibabaw nito. Noong una ay takot siyang bumaba sa lagusan dahil baka mayroong nananahang aswang o bampira sa loob. Pero ng dahil na rin sa takot ay pinilit niyang pasukin ang loob ng lihim na kwarto sa underground ng bahay.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon