Malayo na rin ang narating ng kuwento ni ODESSA. Sa pagsama natin sa kanyang masalimuot na pakikibaka ay narating natin ang isang tagumpay na mapabilang sa mga nagwagi sa katatapos lamang na Wattys 2018. Dahil sa natamong tagumpay, nararapat lamang na kayo ay bigyan ng taos-pusong pasasalamat dahil sa walang sawang pagtangkilik at pag-basa sa kuwentong napamahal sa atin.
Una ay ang Panginoong Diyos na nagbigay ng talento at gumabay sa akin para maisulat ng maganda at maayos ang kuwento ni Odessa. Utang ko sa kanya ang lahat-lahat ng pasensya para hindi sumuko sa pagsulat dito.
Ikalawa ay kayong mga minamahal na mambabasa na naging inspirasyon ko para mapaganda at gawin ang bawat pahina kahit na sumasabay ang trabaho sa aking pagsusulat. Kahit na sobrang abala sa trabaho ay lagi akong humahanap ng oras para maisulat ang mga pahina para lamang hindi ko kayo bibiguin sa kuwento ni Odessa. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy akong magsusulat ng magagandang kuwento.
Pangatlo, ang aking pamilya; sa aking ama na si Inocecio na patuloy pa ring gumagabay sa amin kahit na sa langit na siya at kapiling na ng ating Panginoon sa langit, ang aking ina na si Lorenza na walang sawa sa pagmamahal sa amin, sa aming panganay na kapatid na si Gina na kasalukuyan na ring binabasa ang Odessa, sa aking kuya na si Arnold at nakababatang kapatid na sina Jesus, Remedios at Edwin, sana mabasa niyo rin ang kuwento ni Odessa. Siyempre sa aking mga makukulit pamangkin na sina Laurice Anne, Lawrence Aldwin, Alden "Bastie", Bea Andrea, JM, PJ "Basyong", CJ at Clarence.
Pang-apat sa mga co-teachers ko na nagbigay din ng suporta sa akin at pagbibigay tiwala sa aking kakayahan. Pati na rin sa aking mga naging estudyante na sumuporta din sa pamamagitan ng kanilang pagbasa sa mga kuwentong aking naisulat.
At ang pang-lima ay sa pamunuan ng Wattpad na nagbigay ng tiwala sa aking kakayahan bilang manunulat at paggawad sa Odessa bilang isa sa mga nanalo sa Wattys 2018.
Nawa'y igawad pa rin ninyo ang pareho o higit pang suporta sa pagbubukas ng ikatlong aklat ng aking kuwento, ang ODESSA'S REDEMPTION: GAMES OF THE GODS.
Sa inyong lahat, maraming maraming salamat at utang ko sa inyo ang tagumpay ng ODESSA'S REDEMPTION Trilogy.
ANGELITO PINEDA
May-Akda
BINABASA MO ANG
ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner)
FantasyFILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic) Pagkatapos maibalik ang alaala ni Odessa dela Rosa sa tulong ni Demetria ay sunod-sunod na dagok ang dumating sa kanyang buhay. Una ay ang...