Chapter 4: THE DUEL

750 40 5
                                    

Sunod-sunod na naglitawan ang mga taong-lobo at pumalibot kina SP01 Caren Tejo, Father Mexo at ang dalawang seminaristang sina Raul at Kiel. Halos hindi makakilos sina kapitan Ben at ang mga tanod dahil na rin sa sobrang takot pagkakita sa mga pumalibot na mga taong lobo.

"Pinatay mo ang asawa ko! Pinatay mo ang babaeng alpha sa aming pulutong. Ang sino mang pumatay sa asawa ng lalakeng alpha ay kailangan niyang harapin sa isang duwelo ng kamatayan ang lalakeng alpha." Ang malakas na sabi ng pinaka pinuno ng mga taong-lobo habang nakatingin ito kay Caren.

Nagkatinginan ang mga tanod pati na si Kapitan Ben sa naturang iyon ng lalaking alpha. Alam nila na nasa panganib ang kanilang buhay at ano mang oras ay magiging hapunan sila ng mga halimaw.

Napalunok naman si Caren sa narinig niya sa lider ng mga taong-lobo. Hindi niya sinasadya na paputukan ang taong-lobo na biglang umatake kay Kiel kanina. At hindi rin niya alam na ito ang asawa ng lalakeng alpha.

Sa pagkakaalam ni Caren sa mga pamilya ng mga aso, katulad ng mga lobo, ang Alpha ang siyang itinuturing na pinakamalakas na miyembro sa isang pulutong. Itinuturing siyang pinuno dahil sa pagiging dominante nito at lakas sa pakikipaglaban. Lahat ng bahagi ng pulutong ay sumusunod sa kanya upang maging bahagi ng grupo at ang proteksiyong nakukuha nila mula sa Alpha. Ang sino man ang gustong umagaw sa isang liderato ay kailangan niyang amunin sa isang duelo ang lalakeng alpha. Duwelo na ang kinahahantungan ay kamatayan.

Mabilis na nagpalit ng anyo ang taong-lobo sa kanilang harapan. Ipinakita niya sa mga naroroon ang kaanyuan bilang isang tao.

May taas itong mahigit sa anim na talampakan mahaba at kulot ang buhok at kayumanggi ang balat. Balbas-sarado at may mahabang peklat mula sa kanyang kanang noo pababa sa kanyang pisngi. Makapal ang kanyang kilay na bagay na bagay sa kanyang biluging mga mata at matangos na ilong. Namumukod tangi sa kanya ang kanyang panga na tulad sa mga modelo sa mga nakikita sa mga clothing brands. Mas mukha siyang Arabo kaysa sa pagiging taga Europa.

"Ngayon kapag tumanggi ka!" Sabay turo kay Caren. "...lahat ng nilalang na may buhay sa lugar na ito ay kakatayin namin ng buhay!"

"Sandali!"

Napatingin ang lider ng mga taong-lobo kay Father Mexo.

"Hindi yata patas yang hinihingi mo kaibigan? Tingnan ang laki ng katawan mo kumpara sa kanya? Yang lakas mo at ang lakas niya? Bakit kaya hindi ka humanap ng kasing lakas at laki ng katawan mo?" Ang dagdag ni Father Mexo.

Kumunot ang noo ng lalakeng Alpha sa tinuran ni Father Mexo.

"Sino ka para sumabad sa usapan ng may usapan?" Ang malakas na tanong ng lider ng mga taong-lobo. Nanginginig ito sa sobrang pangigigil at galit sa pangingialam ni Father Mexo.

"Sa batas ng mga taong-lobo, ang sino man ang pumatay sa kabiyak ng isang Alpha ay kailangang pagbayaran ito ng dugo sampu ng mga kasamahan nito. At para maligtasan ang kamatayan ay dapat na talunin sa duwelo ang asawa ng Alpha!" Ang matapang na wika ng taong-lobo.

Sa sobrang takot ay bigla na lamang tumakbo ang isa sa mga tanod papunta sa Santuaryo. Pero halos nakakailang hakbang pa lamang ito ng bigla siyang sagpangin ng isa sa mga taong-lobo na nakapalibot sa kanila.

Akmang kikilos na rin sina Father Mexo dahil sa ginawang pagsagpang ng isa sa mga taong-lobo sa isang tanod ng biglang humakbang papalapit sa lalakeng Alpha si Caren.

"Sandali!" Ang umalingawngaw na sigaw ni Caren.

Lahat ay natigilan at biglang nawala ang tensiyong namuo sa pagitan ng mga tao at mga taong-lobo. Ang kanilang mga mata ay napako kay Caren.

Bakas ang takot sa mukha ni Caren pero kailangan niyang gawin ang nararapat. "Ku...kung papayag ako sa pakikipagduwelo sa'yo at natalo kita, ano ang mapapala ko o namin bilang sa pagkakapanalo ko sa'yo?" Ang tanong niya sa lalakeng Alpha.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon