Prologue

25.1K 431 116
                                        

Prologue

"Delikado 'yong lagay ng dengue patient na dinala dito kanina. Nasa ICU for observation, sana maging maayos ang lagay niya. Ang gwapo pa naman. Sobra! At saka bata pa, sayang naman."

Dinig kong kwento ng isa sa tatlong nurse na pumasok dito sa malaking room kung saan narito ang kapatid ko.

Naka-confine ngayon dito sa isang ospital sa manila ang bunso kong kapatid na si Ken.

May pitong hospital bed dito at tatlong dengue patient ang naka-confine ngayon, kasama ang kapatid ko.

Mag-iisang linggo na siyang naka-confine dito. Unti-unti ng nagiging normal ang kanyang platelet, pero inoobserbahan pa rin siya kaya hindi pa siya pinalalabas.

Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad sa mga gastusin niya dito sa ospital. Naubos na ang naipon kong pera sa pagtitinda ng mga basahan at sampaguita. Butas na butas na ang bulsa ko sa mga gastusin, hindi ko na alam kung kanino pa ako mangungutang, wala na nga sigurong magpapautang sa akin dahil baon na ako sa lahat ng mga pinagkakautangan ko.

Minsan nga iniisip kong kumapit na lang sa patalim.

Namatay ang nanay at tatay namin dalawang taon pa lang ang nakakalipas. Bumangga sa isang ten wheeler truck ang sinasakyan nilang jeep noon. Jeepney driver kasi si tatay at si nanay naman ay sumasama sa kanya sa byahe. Siya ang tumatawag ng pasahero at nagsusukli.

Simula ng maulila kami ni Ken, pakiramdam ko pasan-pasan ko na ang daigdig. Ako na ang tumayong ama at ina sa kapatid ko. Taga-davao si nanay at tatay pero dito na kami ipinanganak ni Ken at lumaki sa maynila. Lahat ng mga kamag-anak namin ay nasa davao at hindi ko alam kung papaano sila ko-kontakin, kaya wala akong malapitan sa kanila.

Sa araw-araw na ginawa ng diyos. Lagi ko siyang tinatanong kung bakit ganito ang kapalaran na binigay niya sa akin? Sobrang masalimuot. Para bang ayaw mo ng gumising at hihilingin mo na lang na sana... forever ka na lang tulog at nananaginip ng magagandang bagay, sa panaginip lang naman kasi gumiginhawa ang buhay ko. Pag-gising ko, masakit na naman ang ulo ko dahil sa mga problema at matatapos ang araw ko na masakit ang buo kong katawan dahil sa buong araw na pagtitinda.

Hanggang sa mamatay ba ako, ganito pa rin ang gagawin ko?

Pero sa kabila ng hirap ng buhay at ilang beses ko ng pag-iisip na sumuko. Sa tuwing makikita ko ang kapatid ko, nabubuhayan ako.

Siya na lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong 'to. Kung bakit patuloy akong lumalaban, gumigising araw-araw para magbanat ng buto at mabuhay. Siya ang inspirasyon ko itinuturing kong natitirang blessing ni lord.

"Ate."

Nagbalik ako sa aking sarili ng marinig ko ang pagtawag ni Ken sa akin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Nakahiga siya sa hospital bed at mapungay ang mga mata.

"Ate, gusto ko na po umuwi ng bahay, gusto ko na po maglaro ulit. Kailan po ba tayo uuwi?"

Hinagod ko ang kanyang buhok at hilaw akong ngumiti.

Ang lamlam ng mga mata ng kapatid ko at namumutla pa rin ang kanyang mga labi. Mahina pa talaga ang katawan niya kahit na mag i-isang linggo na siya rito.

"Malapit na. Konting tiis na lang, bago ka lumabas dito dapat malakas na malakas ka na, para pwede ka na makapaglaro."

"Sana bukas makalabas na ako. Namimiss ko na makipaglaro sa mga kaibigan ko. Nakakalungkot dito sa ospital, ate."

"Basta, kumain ka ng kumain. Inumin mo ang mga gamot mo, wag mong iluluwa o isusuka. Magpalakas ka para makalabas ka na."

"Ate, paglabas ko gusto ko burger." 

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon