Kabanata 42
Meeting
"Wein! Dyan ka lang." Saway ko sa kanya.
Kaya pala ako pinapupunta rito ng loko ay dahil mukhang may kapilyuhan na namang tumatakbo sa isip niya.
Matigas ang ulo ni Wein. Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa akin. Napaatras naman ako hanggang sa maramdaman ko ang pagbangga ng pang-upo ko sa working table niya.
Mabilis na naglakad si Wein palapit sa akin at saka bigla niya akong hapitin sa baywang at kinabig dahilan para magdikit ang ibabang bahagi ng katawan naming dalawa. Naitukod ko naman ang aking mga palad sa kanyang matigas at matipunong dibdib para magkaroon pa kami ng distansya.
"Ano na naman ba 'yang pumapasok sa isip mo?" May kaba sa dibdib ko, pero unti-unti rin nabubuhay ang pananabik dito dahil sa naiisip ko.
Nakakalokong ngumisi si Wein. "Kung anong pumapasok dyan sa isip mo."
Kinilabutan ako sa pagkakasabi niya 'non, namamaos 'yon at tila nanunukso.
"Huh? W-Wala naman akong naiisip, eh. Wein, pakawalan mo na nga ako at may gagawin pa ako."
Tumaas ang isa niyang kilay. "Hindi ba makapaghintay 'yang gagawin mo?" barito niyang sabi.
"Hindi! Kailangan ko 'yong magawa bago tayo pumunta sa meeting mamaya."
"Mamaya pa 'yon. I can help you with that. For now, gawin muna natin ang iniisip ko at iniisip mo." umangat ang sulok ng kanyang labi at nakita ko sa mga mata niya ang pagnanasang nabubuhay sa kanyang katawan.
Pati nga ang bagay na nasa gitna ng kanyang mga hita ay ramdam kong nabubuhay na rin.
Napalunok ako kasabay ng paghaplos ni Wein sa pisngi ko.
"Wein, kung ano man 'yang iniisip mo. Please lang, pwedeng wag muna ngayon?"
"Why not? Mabilis lang 'to. I'll promise." Matamis niya akong nginitian at saka dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
Napapikit na lamang ako tanda ng pagsuko, hanggang sa bigla kong maalala na may cctv dito.
Agad akong dumilat at itinulak si Wein.
"Wein, hindi pwede 'to! Baka may makakita."
"I locked the door. Walang makakapasok at makakaistorbo sa atin." Iritado niyang sabi habang nagkakamot ng kanyang ulo.
"M-May cctv."
Sabay kaming napatingin sa cctv na nasa tapat namin at nalaglag ang panga ko nang makita kong may masking tape na nakaharang doon.
"B-Bakit may tape dyan? Sinong naglagay?"
Kunot noo kong tinignan si Wein. Hindi niya ako sinagot. Nakangisi lang siya sa akin.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko. "Pinagplanuhan mo talaga 'to no?"
"You have so many questions, honey."
Namilog ang mga mata ko nang bigla ay sinakop ni Wein ang mga labi ko.
Sa una ay hindi ko tinutugon ang halik niya, pero kapag hinahalikan ako ni Wein ay nagiging marupok ako at parang nagkakaroon ng sariling pag-iisip ang bawat parte ng katawan ko, kaya hindi ko na nacontrol ang sarili ko at tinugon ko rin ang halik niya sa akin hanggang sa mapaupo ako sa mesa niya.
Ipinulupot ko sa batok ni Wein ang aking mga braso at siya naman ay dahan-dahang pinagagala ang kanyang malilikot na kamay sa mga hita ko.
Pareho kaming naghahabol ni Wein ng hininga nang magkalas ang mga labi namin.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Ficción GeneralAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
