Kabanata 25
Dahilan
"Ang daya mo! Si Axel dinalhan mo ng lunch tapos kami ni Bethilda, hindi? Your being unfair." ani Wein pagdating na pagdating niya rito sa condo.
Para siyang batang nagtatampo. Iyon agad ang bungad niya sa akin habang naglalakad siya, papalapit rito sa kinaroroonan ko.
Natigilan tuloy ako sa pagsosolve ng simpleng math problem na assignment ng kapatid kong mahimbing ng natutulog sa kwarto.
Pinagtaasan ko ng isa kong kilay si Wein bago ko siya sinagot.
"Unfair? Hindi ba sinabi sa'yo ng girlfriend mo na dinalhan ko kayo at tinanggihan niya 'yon? At saka, binayaran ni Axel ang dinala kong pagkain sa kanya kaya considered ng binili niya 'yon. " Mariin kong sambit sa kanya.
"What? Tinanggihan niya?" Gulat na tanong naman niya sa akin.
"Bakit? Ano ba ang sabi sa'yo ng pinakamamahal mong girlfriend?"
"Tinanong ko siya kung may dinala kang pagkain sa amin and she said nothing, tapos...inaya niya ako na kumain sa labas."
Tumaas ang isa kong kilay. "And you believed her? Kaya mo nga ako nakasalubong kanina kasi nagpunta ako sa office mo para ibigay ang lunch na ginawa ko para sa inyo. Pero ayaw tanggapin ng girlfriend mo 'yon at ang masakit pa roon, kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi niya sa akin."
Huminto ako saglit sa pagsasalita para huminga ng malalim at saka muling inalala ang mga sinabi ni Bethilda kanina ng kausapin niya ako.
"Inaakusahan niya ako na sinisira ko ang relasyon niyo. Nagseselos siya sa akin dahil minsan na raw akong naging dahilan kung bakit kayo nag-break. Ang sabi niya pa sa'kin, wag ko na raw kayong dadalhan ng cheap kong niluluto."
Hindi naman si Bethilda ang kaharap at kausap ko ngayon pero ramdam ko ang pagdaloy ng galit sa buong katawan ko. Napapakuyom ko ang kamay kong may hawak na lapis.
"H-Hindi ka nagsisinungaling, diba?" Tanong ni Wein na para bang nahihirapan siyang paniwalaan ang nga sinasabi ko.
Ano bang tingin niya sa girlfriend niya? Santo na hindi marunong manakit ng damdamin ng iba?
"Hindi. But it's up to you kung kanino ka maniniwala. Basta ako, wala akong planong siraan ang girlfriend mo sa'yo. I'm just telling the truth and nothing but the truth. Kung hindi mo kayang paniwalaan, okay lang sa akin. Sino ba naman ako, diba?"
Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Wein at pagtutop ng palad niya sa kanyang noo. Hinilot niya pa nga ang kanyang sintido.
"Sorry. Kakausapin ko si Bethilda."
"Kahit wag na. Baka kung ano na naman ang isipin ng girlfriend mo. Basta, hindi na ako magdadala ng lunch para sa inyo. Baka kasi sa susunod, mag-amok na ang girlfriend mo."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay muli kong itinuon ang paningin ko sa notebook ni Ken at ipinagpatuloy ang pagsosolve ng problem.
Ramdam ko ang mga mata ni Wein na nakatitig sa akin habang nakatayo siya sa harap ko. Pero hindi na ako nag-angat pa ng tingin para pantayan 'yon. Hanggang sa naramdaman ko na naglakad na siya palayo sa akin.
Doon lang din ako nag-angat ng tingin at nilingon siya na naglalakad na papasok ng kanyang kwarto.
Tulad ng inaasahan ko. Parang wala namang nangyari. Mukhang hindi naman na yata kinausap ni Wein si Bethilda tungkol sa naganap na pag-uusap namin ng huli, dahil hindi siguro talaga naniniwala si Wein sa mga sinabi ko sa kanya.
Nakasabay ko siya at si Bethilda na magkasamang lumabas sa H.Co building.
Ubos na kasi ang paninda ko at saka walang Axel na nangungulit sa akin ngayon, nasa meeting daw kasi siya. Kaya, nag decide akong umalis na agad.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
