Kabanata 32

11K 246 96
                                        

Kabanata 32
I'll try

Narito kami ngayon ng pamilya ni Wein sa patag at madamong bahagi ng camp john hay estate dito pa rin sa baguio, kung saan nakatayo ang malaking vacation house na pagmamay-ari mismo ng mga Hernandez.

Pinalilibutan kami ngayon dito ng matatayog at malalagong puno na tinatakpan ang sinag ng araw upang hindi ito tumama sa amin.

Totoo ngang malamig dito sa baguio, kumpara sa manila. Giniginaw na nga ako, kaya lang ay nasa maleta ko ang aking jacket at tinatamad akong bumalik sa cabin house para kunin iyon, kaya niyakap ko na lang ang sarili ko, habang nakatayo ako at binabantayan si Ken na naglalaro ng bola.

Nakaupo naman si lola Eupemia, tita Arabella at ate Mikaela sa checkered na saping inilatag namin. Naroon din ang mga plato, kubyertos, baso na gagamitin namin mamaya sa salo-salo, pagkatapos maihaw ni Wein, kuya Wade at tito Rocco ang ilang kilong liyempo, bangus, hotdog at mais.

Maya-maya pa'y tapos ng maihaw ang mga kakainin namin. Nangangatog kong inabutan ng plato na may kutsara at tinidor ang lahat.

"Ano ka ba naman, Keight. Bakit hindi ka nagdala ng jacket mo? Nangangatog ka na tuloy sa lamig."

Napalingon ako kay Wein na tanging nakapansin ng pangangatog ko.

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Hinubad niya ang jacket niya at inabot iyon sa akin.

"Isuot mo." aniya.

"H-Hindi na. Salamat na lang." Pagtanggi ko sa kanya kasi nahihiya ako.

"Suotin mo na." Pamimilit niya.

Nahihiya kong nilingon ang mga kasama namin. Nakatingin sila sa kinaroroonan namin, nakita ko pa ngang nakangiti si lola Eupemia.

Ito na ba ang plano ni Wein? Ang ipakita sa lahat na concerned kami sa isat-isa o sadyang nag-aalala lang talaga siya dahil mahal niya ako.

Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko ngayon. Hanggat hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat, ayoko na munang mag assume.

Hindi rin ako nakatiis at kinuha ko na lang ang jacket na inaabot ni Wein. Tinulungan niya pa akong isuot 'yon at saka niya tinawag si Ken na may kasamang dalawang batang mukhang kaedad niya lang at pinagpapasa-pasahan ng mga ito ang bola ng kapatid ko.

"I can see a progress. Mukhang ready na talaga kayong dalawa ng apo ko. I can't wait for the wedding."

Hilaw akong napangiti sa pabulong-bulong na sinasabi ni lola Eupemia habang magkatabi kaming kumakain ngayon.

"Do you have a gift for my grand-son? Christmas eve na bukas and our tradition every christmas eve is to open our present together."

"Meron po."

"Oh, what is it then? May I know?"

Ibinulong ko kay lola ang regalo kay Wein at nagpapalakpak naman ito sa tuwa pagkatapos kong sabihin sa kanya kung ano iyon.

"For sure, he'll love it."

Hindi na ako nag eexpect pa ng regalo kay Wein kasi naibigay niya na sa akin ang regalo niya noong christmas party. Ang inaabangan ko na lang ngayon ay kung ano ang magiging reaction niya sa regalo ko.

Pagkatapos naming kumain ay tumulong ako kay tita Arabella na magligpit ng pinagkainan namin. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng picture taking at saka inaya ako ni Wein na maglakad-lakad. Hindi ko siya tinanggihan kasi gusto ko talagang sulitin ang pamanalagi rito sa baguio.

"Ang tataas ng mga puno rito. Feeling ko talaga, nasa isa akong pelikula. Parang 'yong pelikulang twilight. Alam mo 'yon?" Tanong ko kay Wein na kanina ko pa napapansin na panay ang kuha ng picture.

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon