Kabanata 27
Paper Dance
Nababahala ako sa mga tingin na ipinupukol ni ni Axel at Bethilda sa amin ni Wein. Hindi ako makatingin sa kanila, pero ramdam ko ang kanilang mga mata na nakatuon sa amin ni Wein.
Dahil naiilang ako sa mga tingin nila ay pasimple kong siniko si Wein na nasa tabi ko at kausap si Ken.
Nakakunot ang noo ni Wein nang lingunin niya ako, kaya pinandilatan ko siya at saka ako bumulong sa kanya.
"Bakit ba dito ka umupo? Doon ka tumabi sa girlfriend mo! Tignan mo nga kung makatingin sa atin. Kung nakakamatay lang ang mga titig niyan, kanina pa tayo nakahandusay sa sahig."
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Para bang nagugustuhan niya pa ang nangyayari.
"Tayo? Ikaw lang naman ang tinititigan niya ng masama." aniya.
Naningkit ang mga mata ko. "At gusto mo talaga na tinitignan ako ng ganyan ng jowa mo?"
"No, I'm not. Just don't mind her." sabi niya pa at saka niya inalis ang tingin niya sa akin.
Mahinang hinampas ko naman siya sa kanyang braso. Sana nga nilakasan ko na lang, kasi tinawanan niya lang ako sa ginawa ko.
Nang magkalakas ako ng loob na tumingin sa kinaroroonan ni Bethilda at Axel ay nakita kong hindi na nakatingin si Bethilda sa amin. Nakatuon kasi siya sa cellphone niya, pero si Axel, hindi pa rin umaalis ang tingin niya sa amin ni Wein.
Nag-iwas ako ang tingin sa kanya. Kung titignan ang ekspresyon sa mukha ni Axel ay puno iyon ng kainosentehan. Tila kay dami niya rin tanong sa akin. At mukhang kailangan kong maghanda dahil siguradong hindi matatapos ang gabi ng hindi niya ako nakakausap.
"Ano bang problema mo? Ginagamit mo ba ako para pagselosin ang girlfriend mo?" Pabulong ko pang tanong kay Wein.
"And why would I do that?"
"Malay ko sa'yo. B-Baka...may LQ kayo?"
Umiling-iling si Wein at saka dumukot sa kanyang bulsa. Sabay pa nga kaming napayuko kasi narinig ko rin ang tunog ng cellphone niya.
"Hello, grandma. Nandito ka na? Wait. Pupuntahan kita dyan." Tumayo si Wein sa upuan niya. "Okay, hintayin mo ako."
Pagkatapos kausapin ni Wein sa cellphone si lola Eupemia ay nagpaalam siya sa amin na bababa lang para sunduin ito.
Pag-alis na pag-alis ni Wein ay agad na tumayo si Axel sa upuan niya at saka tumabi sa akin at bumulong.
"Why are you two seem so very close?"
Sumibol ang kaba sa dibdib ko sa pabulong na tanong niya.
"Ah...s-syempre nga, diba p-personal maid niya ako before." Nauutal kong sagot.
"At hindi mo rin sinabi sa akin na malapit ka rin kay tita Arabella at tito Rocco."
Hilaw ko siyang nginitian. "H-Hindi ko na nasabi sa'yo."
Seryoso akong tinignan ni Axel. Tingin na tila ba naguguluhan at nahihiwagaan siya sa akin.
"Palagay ko. Marami ka pang hindi sinasabi. But it's okay. Ilang araw pa lang naman simula ng maging magkaibigan tayo, diba?"
Sa wakas ay gumuhit na rin ang ngiti sa labi ni Axel.
"So, dito na ako uupo, huh? Nang-aagaw ng pwesto ang pinsan kong 'yon. I'm your partner and I'm supposed to be right beside you."
"O-Oo nga." Hilaw akong ngumiti sa sinabi niya.
Ilang saglit lang ay nakabalik na rin si Wein dito kasama si lola Eupemia.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Fiksi UmumAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
