Kabanata 2

14.7K 272 34
                                        

Kabanata 2
Unan

"Anong hindi type? Ilang babae na ang ipinakilala mo sa akin na morena, matangkad at tsinita. Hindi ako pwedeng magkamali, pasadong-pasado si Keight sa tipo mo." Nakangising sabi pa ni lola Eupemia, pagkatapos i-deny ni Wein na ako ang tipo niyang babae.

Hindi na niya kinontra pa si lola Eupemia pero makikita mong pailing-iling siya habang hilaw na nakangiti.

"You know what, grandma? I think we better need to go now. You can go back here tomorrow. Hindi pa naman siya lalabas, diba?" Tumaas ang isang kilay ni Wein at lumipat ang tingin niya sa akin.

"Yah. She'll stay here for awhile. Keight, Jhel, Ken. Mauna na kami sa inyo. Kailangan ko na rin kasing uminom ng gamot ko, nag mi-maintenance pa naman ako."

"Sige po, ma'am." ani Jhel na abot tenga ang ngiti. "Bye, Wein." Nag-beautiful eyes pa ang gaga. Obviously, nagpapacute siya. At naiinis ako.

"Salamat po sa pagkain." Sabi naman ng kapatid ko na hawak hawak ang isang hita ng fried chicken, may mga kanin-kanin at gravy pa siya sa gilid ng kanyang bibig at sa pisngi.

Kinurot ni Wein ang pisngi ng kapatid ko habang napapantastikuhan siyang nakangiti rito. "Cute mo! Tirahan mo ang mga ate mo, huh? Hinay-hinay sa pagkain, young man."

Bakit ang cute tignan ni Wein at ng kapatid ko? Para silang magtatay. Siguro ang sarap makitang kasama ni Wein ang magiging anak namin?

Anak namin?

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa hiya nang ma-realize ko ang naisip ko. Agad ko namang binura ang isipang iyon.

"Maraming salamat po sa lahat, lola Eupemia." Sabi ko na lang.

"Walang anuman, kulang pa 'yan. Babalik ako dito bukas. Magdadala kami ni Wein ng breakfast para sa inyo kaya wag niyo ng intindihin 'yon, okay?"

Tumango ako sa kanya. Nakita ko naman na dumukot si Wein sa bulsa niya at inilabas niya ang kanyang wallet. Syempre, bago na 'yon.

"Here's my calling card." inabot ni Wein kay Jhel ang isang maliit na card. "Kung may problema man, ako na lang ang tawagan niyo."

Parang na-hypnotized si Jhel habang nakaawang ang bibig niya at tumatango kay Wein. Hindi nga rin kumukurap ang kanyang mga mata.

Dumako naman ang tingin sa akin ni Wein. "Miss Keight, maraming salamat ulit sa pagliligtas sa grandma ko."

Hindi ko inaasahan na masisilayan ko ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin nang ngitian niya ako.

Saglit akong natulala dahil sa ngiti niya, pero nagbalik akong muli sa sarili ko nang marinig ko naman na pinasasalamatan din ako ni lola Eupemia.

Pag-alis ng maglola ay nagtititiling naupo si Jhel sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

"Diyos ko! Sobrang gwapo ng lalaking 'yon. My God! Ang sarap-sarap. Sobrang, ugh! Yum yum yum!"

Napatingin ako sa kapatid kong abala sa pagkain ng fried chicken sa kabilang mesa. Mabuti na lang at abala ito sa pagkain at hindi niya naririnig ang pinagsasasabi nitong si Jhel.

"Diba may pasok ka pa? Sige na iwan mo na lang muna kami ni Ken dito." Sabi ko sa kaibigan ko.

"Parang tinatamad ako. Alam mo, si Wein...Mukha siyang disenteng lalaki pero sa tingin ko mahilig din siya sa nightlife. What do you think?"

"Palagay ko nga. Ganoon naman ang mayayaman, diba?"

"Swerte mo, day! Mayaman na ang matandang iniligtas mo. Ang gwapo pa ng apo. Sarap magpaanak."

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon