Kabanata 35

12.3K 277 65
                                        

Kabanata 35
Jealous

Magkahawak kamay kaming bumababa ni Wein ng hagdan papuntang sala kung saan naroon sina lola Eupemia. Nasa hagdan pa lang kami ni Wein ay dinig na dinig na namin ang malakas na tawanan ng kanyang pamilya.

"Ang saya-saya ni grandma kung makatawa parang wala ng bukas. Bawal pa naman sa kanya ang nasosobrahan. Baka mamaya hindi kayanin ng puso niya." Nag-aalalang sabi ni Wein.

"Ano kayang pinag-uusapan nila at ganoon makatawa si lola?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman si Wein.

Pagdating namin sa sala ay si lola Eupemia, tita Arabella at tito Rocco lang ang nadatnan naming nagkakatuwaan.

"O, nandito na si Wein at Keight." ani lola Eupemia na unang nakapansin sa amin. Ang lapad nga ng ngiting ibinungad niya sa amin.

Mukhang napakasaya talaga ng matanda at natutuwa akong makita siya na ganoon.

Pero medyo nailang ako nang bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Wein. Nakatitig lang siya roon at hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga labi.

Para bang manghang-mangha siya sa nakikita niya.

"Kayong dalawa, napakatagal niyong bumaba. Nainip tuloy yung tatlo kaya nauna na." ani tita Arabella.

"That's okay, bella. We accept their reason."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni lola Eupemia. Makikita rin ang pagtataka sa mukha ni tita.

"Ma, wala pa naman silang binibigay na rason sa atin kung bakit sila natagalan, diba?" ani tito Rocco.

"Ano ba naman kayo. Ang tatanda niyo na, kung magpakapatay malisya kayo eh, akala niyo mga birhen."

Hindi naman ako inosente pero ngayon ko lang nagets kung bakit ganoon na lang kasaya si lola Eupemia.

Napayuko ako nang mapagtanto ko iyon. Siguradong namumula ang pisngi ko dahil sa hiya.

Si Wein naman ay naririnig ko ang pigil na pagtawa.

Kaya naman pala hindi kami sinalubong ni lola Eupemia ng tanong tungkol sa pagkawala namin kagabi, kasi may alam siya sa nangyari kagabi. Narinig niya kaya kami? Hindi naman ako maingay, huh?

Shit. Gusto kong kainin na ako ng lupa ngayon. Nakakahiya.

"Sige na, kumain na kayo. Pagkatapos ay sumunod daw kayo doon sa tatlo. Nagpunta sila sa tree top adventure." ani tita.

Nilingon ako ni Wein at matamis niya akong nginitian at saka nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"Halika na. Alam ko namang gutom na gutom ka na." Bulong niya. Kinindatan niya pa nga ako at saka hinila papunta sa komedor.

Hindi naman ako nagreklamo pa at nagpatianod na lang ako sa panghihila niya.

Naalala ko ang mga naganap kanina lang habang magkasabay kaming naligo ni Wein, kaya nga kami natagalan kasi inalmusal pa niya ko.

Mabuti pa siya, nabusog ko na habang ako, gutom na gutom kasi masyado niyang inuubos ang lakas ko.

Pagkatapos naming kumain ni Wein ay nagpaalam na kami kanila lola Eupemia para sundan ang kapatid ko at sina kuya Wade at ate Mikaela sa tree top adventure, di kalayuan dito sa vacation house. Sa camp john hay din kasi ito matatagpuan.

"Are you sure na hindi kayo sasama?" tanong ni Wein pagkatapos niyang halikan si lola Eupemia.

"Matanda na ako at mabilis mapagod. Hindi ko na kakayanin doon. Mag enjoy na lang kayo at magpapahinga kami rito."



A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon