Kabanata 18
Malisyosang ideya
"Ano pa ang magagawa ko, mukha namang hindi na kita mapipigilan." ani sir Feil na seryosong nakatingin sa akin habang nakasandal siya sa inuupuan niyang swivel chair, hinihimas-himas niya pa nga ang kanyang baba.
Nandito kami ngayon sa office niya, kinausap ko kasi siya tungkol sa pag-alis ko sa trabaho.
Syempre hindi ko sinabi ang totoo. Nagsinungaling ako at ang idinahilan ko sa kanya ay may mabuti at mayamang pamilya na pinagkatiwalaan akong magbantay ng bahay nila, dahil sa ibang bansa na titira ang mga ito. At bilang kapalit ng pagbabantay ko sa bahay ng mga ito ay buwan-buwan akong may sweldo sa kanila.
Sa madaling salita ay nagkunwari ako kay sir na magiging isang caretaker ako. Mukha namang napaniwala ko siya sa kwento ko, kahit pa nakikita ko siyang napapakunot ng noo habang tahimik na pinakikinggan ang dahilan ko kanina.
Halos dalawang linggo na rin akong hindi pumapasok dito sa Caelum, dapat nga ay last week ko pa talaga kakausapin si sir, kaya lang ay nag out of town ito.
"But," umangat ang sulok ng labi ni sir Feil, para bang may kakatwa siyang naisip. "You owe me a date, remember?"
Namilog ang mga mata ko, nagulat kasi ako dahil natatandaan niya pa pala ang utang kong date sa kanya. Umasa kasi ako na makakalimutan niya na iyon.
Umalis sa pagkakasandal niya sa kanyang inuupuan si sir Feil at ipinagsalikop niya ang kanyang mga palad na nasa ibabaw ng mesa at saka niya ako matamang tinitigan habang nakangiti siya sa akin ng bahagya.
Napayuko ako dahil nailang ako sa mga ngiti at tingin na ipinupukol niya sa akin, pero kahit nakayuko ako ay ramdam ko pa rin ang mga ngiti at tingin niyang nakakaloko, kaya nag angat na lang ulit ako ng tingin.
"Ah, a-akala ko nakalimutan mo na. " anas ko.
"Huh? Bakit ko naman kakalimutan 'yon, eh nagpromise ka sa akin. So, kailan ba tayo magdidate?"
"Ikaw ang bahala." Nahihiya kong sabi.
"Sa next weekend na lang. Diba ang sabi mo, wala ka namang mapag-iiwanan sa kapatid mo? Kung sa weekend tayo magdidate, pwede mo siyang iiwan kay Jhel just like what you did before."
"Ah, oo nga, 'yan din ang nasa isip ko."
"Alright, don't forget it."
Tumango ako at saka tumayo na sa inuupuan ko.
"Sige po, sir. Mauna na ako." Paalam ko.
Tumayo naman si sir Feil sa upuan niya.
"Hatid na kita." alok niya.
Agad naman akong napailing. Hindi niya ako pwedeng ihatid. Hindi niya pwedeng malaman kung saan ako nakatira.
"Ah, Salamat na lang, sir. Pero wag na po."
"Sige na, hatid na kita. Paano kita masusundo sa date natin?"
"S-Sa apartment ni Jhel mo na lang ako sunduin."
Kinakabahan na talaga ako kay sir Feil. Baka mamaya mabuking niya na nagsisinungaling ako sa kanya.
"Okay. I see, you already have a phone, can I just get your number? Doon na lang kita iko-contact."
Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa, na hawak ko lang kanina pagpasok ko. Tatlong araw pa lang ng ibigay sa akin ni Wein 'to, medyo hirap nga akong gamitin kasi nasanay ako sa cellphone na may keypad, pero ilang taon na rin na wala akong cellphone at ngayon lang ulit nagkaroon.
Sa huli ay hindi naman nagpumilit si sir Feil na ihatid ako, pero kinuha nga niya ang number ko.
Hawak ko ang dibdib ko at hinahagod-hagod ito habang naglalakad ako sa maikling pasilyo pababa rito sa disco bar.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
