Kabanata 30
Strong feeling
"W-Wein, anong problema?" Mahinahon at concerned kong tanong sa kanya.
Inalis naman niya ang mukha niyang bumaon na sa balikat ko. Suminghap siya at saka ipinunas niya ang isang braso niya sa kanyang mga mata, bago siya nag-angat ng tingin sa akin.
Mamula-mula ang mga mata at nangingislap sa luha ang mga pilik ni Wein, nang magtama ang paningin naming dalawa. Bahagya siyang nakanguso at nanginginig ang kanyang baba na para bang nagpipigil siyang umiyak. Para siyang batang pinagalitan ng magulang at nanghihingi ng simpatya.
Unti-unting tinutunaw ng nakakaawa niyang mukha ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Lumalambot ang puso ko sa mga tingin na ipinupukol niya at sa kabilang bahagi ng aking isipan ay hinihikayat ako nitong yakapin ko siya.
Pero hindi ko ginawa 'yon.
"Bakit pag nagmamahal ako. Parating namimisunderstood?" ani Wein habang nakatitig siya sa akin, umiigting ang kanyang mga panga at napapahikbi.
"Bakit ang sama ng tingin niyo sa akin, kapag ako ang nang-iwan? Tapos kapag ako ang iniwan, ako pa rin ang masama. Bakit ganoon? Bakit ako ang parating mali?"
Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Ibang-iba kasi ang nararamdaman ko ngayon, kaysa noong araw na galit na galit ako sa kanya.
Naaawa ako sa kanya ngayon at ayokong may masabi akong hindi maganda na maaaring makadagdag sa nararamdaman niya ngayon.
"Alam mo, maganda siguro kung matulog ka na muna, Wein. Bukas mag-usap tayo. Sabihin mo sa'kin 'yang problema mo."
"Pakikinggan mo ba ako?"
Napalunok ako at hindi ko maiwasang mapatingin sa labi niyang tila kay lambot-lambot. Ang pupula 'non at mamasa-masa pa.
Nang muli akong mag-angat ng tingin ay tumango ako kay Wein. "Oo. Pakikinggan kita. Kaya, tara na. Matulog ka na."
"Promise?" Sabi niya, dala ang nagsusumamo niyang mukha.
"P-Promise."
Hindi naman nangulit si Wein. Agad siyang sumunod sa sinabi ko. Inalalayan ko pa siyang pumasok sa kwarto niya dahil gumegewang-gewang na siya habang naglalakad.
Natatakot na talaga ako sa ginagawa niya kasi kahit lasing siya ay nagdadrive pa siya.
Nang ihihiga ko na si Wein sa kama niya ay natangay niya ako at napadagan ako sa malapad at matipuno niyang dibdib. Sa pagkabigla ko ay napatili ako.
Akala ko sinadya ni Wein 'yon. Nahampas ko pa nga siya pero nang tignan ko siya ay Nakapikit na ang kanyang mga mata at bahagyang nakaawang ang kanyang mga labi, naririnig ko pa ang mahina niyang paghilik.
Dahan-dahan kong tinanggal ang braso ni Wein na nakapulupot sa akin at saka ako marahan at banayad na umalis mula sa pagkakadagan ko sa kanya.
Nang tuluyan na akong makaalis mula sa pagkakadagan kay Wein ay kinumutan ko naman siya at saka muli ko siyang pinagmasdan. Balak ko pa sanang haplusin ang mukha niya pero pinigilan ko ang mga kamay ko at mabilis akong lumabas ng kwarto niya.
Saktong alas-singko nang tumunog ang alarm sa cellphone ko.
Bumangon ako at kahit na inaantok pa ay pinilit kong bumaba na sa kama at saka pupungas-pungas ang aking mga mata habang papalabas ng kwarto.
Pagkatapos kong makapagluto ng agahan, kalahating oras ang nakalipas buhat ng mag alas-singko. Kinatok ko na sa kwarto niya si Wein.
Nakasanayan ko ng ginigising si Wein pagkatapos kong maghanda ng almusal. Minsan naman gumigising 'yan ng kusa, pero madalas nga ay kailangan ko pa siyang gisingin.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
