Kabanata 6

10.5K 245 15
                                        

Kabanata 6
Late

Nasa loob lang ng kotse si Wein at Bethilda ng puntahan ko si Ken sa classroom niya.

"Ken, laro muna tayo." Pang-aaya na naman sa kapatid ko ng kaeskwela niya.

"Hindi pwede. May naghihintay sa amin, bata. Next time na lang." Sabi ko.

"Ate, si kuya Wein ba 'yon?" Tanong naman sa akin ng kapatid ko.

"Oo."

"Eh diba, okay lang naman kay kuya Wein kung maglaro muna ako?"

"Hindi. Pinagbigyan ka lang 'non kahapon. Gutom na 'yon kasi hindi pa nakakapag tanghalian. Wag ka ng makulit dyan at ililibre niya tayo ng makakain."

Namilog at nangislap ang mga mata ng kapatid, ang lapad pa nga ng ngiti niya sa akin. Basta talaga pagkain, masayang-masaya 'to.

"Sige po, ate. Tara na." Napangiti na lang ako ng hilain niya ang kamay ko at pinagmamadali na ako.

Sa isang eleganteng restaurant kami kumain nila Wein at Bethilda. Siya na nga ang hinayaan kong umorder para sa amin ng kapatid ko kasi hindi ko naman alam 'yong mga nasa menu. Naiintindihan ko naman ang pangalan nila pero hindi ko alam kung anong klaseng pagkain ba iyon.

"Give me one chicken cacciatore, one rollatini, three Sicilian pasta, three Tiramisu and three lemonade." Nilingon ni Wein ang katabi niyang si Bethilda at tinanong niya ito kung may order na ba.

"Kuya Wein, nag order ka po ng fried chicken?" Tanong ng kapatid ko.

"Oo nga pala."

Hindi pa naman nakakaalis ang waiter kaya dinagdagan ni Wein ng fried chicken ang inorder niya.

"Ikaw talaga, nag request ka pa." pabulong kong sabi sa kapatid ko. Nginisihan naman ako nito.

Habang naghihintay kami ng order namin ay panay ang kwentuhan ni Wein at Bethilda. Si Ken naman ay nagkukwento sa akin tungkol sa mga nangyari sa school niya.

Hindi ko maiwasang mapatingin kay Wein at Bethilda na nakaupo sa harap namin ng kapatid ko. Nag e-englisan silang dalawa at nagtatawanan.

Ang ganda nilang tignan. Bagay na bagay. Mabuti na lang at kasama namin ang kapatid ko dahil kung hindi ay baka naging third wheel pa ako rito, kung sabagay...hindi rin naman ako isasama ni Wein dito kung hindi dahil sa kapatid ko. Malapit kasi ang loob ni Wein kay Ken.

"You can come with us some other time, I'll teach you." dinig kong sabi ni Wein.

"How long have you guys doing it?" Tanong naman sa kanya ni Bethilda.

"Since we were young, elementary I guess. We really love hanging out and whenever we get bored, we're having a skateboarding session. Skateboarding is a fantastic sport, you should try it."

Napataas ang isa kong kilay ng marinig ko ang pinag-uusapan nila.

Marunong pala magskateboard si Wein? Wala sa itsura niya ang pagiging skaterboy. Mas mukha pa nga siyang chess player.

Naalala ko tuloy noong highschool ako. Napapacutting ako kapag inaaya ako ng mga kaklase ko na mag skateboard sa intramuros, doon sa may Anda street. Maliit lang ang lugar na 'yon, tapos may painting 'yong mga pader. Sa Manila highschool kasi ako nag-aaral noon, malapit lang iyon sa intramuros. Highschool lang din ako ng matutong mag skateboarding, wala akong skateboard kaya nanghihiram lang ako sa mga kaklase ko noon.

Pagdating ng pagkain namin napalunok-lunok ako. Itsura pa lang kasi ng mga ito ay katakam-takam na.

Pagsubo ko ng pasta na inorder ni Wein, napapikit ako sa sarap nito. Nanunuot sa lalamunan ko 'yong creamy and chessy nito. For the first time in my life, nakakain ako ng ganito kasarap na pasta. Akala ko kasi noon, kapag mga pagkain sa mamahaling restaurant, maganda lang tignan pero hindi masarap, pero nagkamali ako.

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon