Kabanata 12

10.7K 247 15
                                        

Kabanata 12
Saturdate

Pagkatapos kong inumin ang tubig na inabot sa akin ni Wein ay tumayo na ako sa kinauupuan ko, kung saan katabi ko naman si lola Eupemia na nararamdaman ko ang kamay sa likuran ko at hinahaplos ako rito.

"Keight, wag ka muna tumayo. Maupo ka muna rito. Baka mahilo ka na naman." ani lola Eupemia.

Pero huli na, kasi nakatayo na ako.

"Okay na po ako. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat na lang po." Malamig kong sabi.

Akmang tatalikuran ko na silang maglola nang maramdaman kong may kamay na biglang humawak sa braso ko. Kamay ni Wein iyon.

"Maupo ka lang muna." aniya.

Nagsalubong ang mga kilay ko at agad na binawi ko ang braso ko sa kanya, binato ko pa siya ng masamang tingin.

Hanggat maaari ay ayoko ng mainvolve sa kanilang maglola. At saka, nagkukunwari lang naman ang Wein na'to na concerned siya sa akin dahil kasama niya ang lola niya.

"Keight, masyado mo yatang pinapagod ang sarili mo. Halika rito at maupo ka muna, hayaan mo na si Wein na puntahan si Ken sa room niya."

"Ako na po ang bahala sa kapatid ko."

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Binilisan ko ang lakad ko para hindi ko na marinig ang paulit-ulit na pagtawag sa akin ni lola Eupemia.

"Keight ano ba? Tinatawag ka ni grandma."

Napaharap ako bigla kay Wein na sinundan pala ako at hinawakan ako sa balikat.

"Ano ba ang problema mo? Hindi mo ba nararamdaman na lumalayo na ako sa inyo? Diba, ayon naman ang gusto mo? Pero bakit ngayon, humahabol ka pa?"

"Sinusunod ko lang si grandma. Nag-aalala siya sa'yo."

Hilaw ko siyang tinawanan at saka ko siya seryosong tinignan at walang sabi-sabing tinalikuran at naglakad palayo sa kanya.

------
Iyon na ang huling beses na nakita ko si Wein at lola Eupemia. Magtatatlong buwan na ang lumipas. Simula noon, wala na rin akong balita sa kanila, ayoko rin naman makarinig ng kahit anong balita sa kanila.

Hindi ako galit sa mga Hernandez. Ayoko lang talaga na madawit pa ako sa pamilya nila at kung may dapat man akong pagtaniman ng galit. Kay Wein 'yon, kasi ilang ulit niyang ininsulto ang pagkatao ko.

"Ang sipag talaga."

Puri sa akin ni sir Feil. May-ari ng pinagtatrabahuan kong disco bar.

Inilagay na ko sa counter ang isang tray na may lamang ilang bote ng alak na wala ng laman at saka ilang basong wala rin laman. Nakatayo si sir sa tapat ng bar counter at nakahalukipkip.

"Syempre, ayokong madisappoint sa akin ang boss ko." sabi ko naman.

"Siya nga pala. Wala ka namang pasok sa saturday, can I take you out?"

Namilog ang mga mata ko ng marinig ko ang tanong niya sa akin. Para ngang humina ang malakas na electro music na pinatutugtog dito nang marinig ko ang sinabi niya na tila nag-echo pa sa pandinig ko.

"Take me out? H-Hindi naman ako pagkain, huh?"

Tumawa siya at kinagat ang ibaba niyang labi.

"You're so inoccent. Ang ibig kong sabihin ay...pwede ba tayong lumabas? Didiretsuhin na kita. I'm asking you on a date this saturday, are you coming?"

"Uhm..."

Shit. Inaaya niya akong makipag date sa kanya?

Saglit akong napaisip. Wala namang masama kung makipag date ako.

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon