Kabanata 22
Ikaw ang pinili ko
Hindi ko naman talaga direktang sinabi kay Wein na gusto ko siya at nahulog na ako sa kanya. Pero matalino siya. Alam ko, ramdam ko at kita ko sa expression ng mukha niya na naintindihan niya ang sinabi ko kahit na hindi iyon diretso.
At dahil doon. Naging mailap at malamig ang pakikitungo namin sa isat-isa.
Tila bumalik sa dati ang lahat. Noong mga panahong nagsisimula pa lang kaming magsama rito sa condo niya. Mga panahon na pakiramdam ko ako ang pinakakinamumuhian niyang nilalang sa mundo.
Medyo iba nga lang ngayon, kasi hindi naman niya ako pinagagalitan o pinagsusungitan. Malamig lang talaga siya sa tuwing kakausapin niya ako.
Bihira na lang kung kumain ng almusal dito sa bahay si Wein at kapag uuwi siya sa gabi ay sa kwarto niya agad siya didiretso, di tulad noon na makikipagharutan pa siya sa kapatid ko, kapag maaga siyang nakakauwi, kapag late naman ay nagpapatimpla ng kape sa akin 'yan at makikipag kwentuhan.
Pero ngayon, kahit maaga pa. Sa kwarto niya agad siya pumupunta at hindi na siya lalabas doon.
Maging ang kapatid ko ay napapansin na ang nag-iba niyang pakikitungo. Maging kay Ken kasi ay naging malamig din siya.
Bukod sa hindi na nga niya hinaharot ang kapatid ko. Hindi na rin niya ito inaayang mamasyal at wala na rin siyang oras para makipaglaro rito.
Kawawa naman ang kapatid ko at pati ito ay naaapektuhan.
Hindi ko alam kung ako at ang nararamdaman ko sa kanya ang dahilan ng pagbabago niya o dahil masyado lang siyang nasaktan sa break up nila ni Bethilda. Pero alin man sa mga 'yon ang dahilan, pareho lang naman 'yon na masakit tanggapin, kasi pareho lang 'yon na pinararamdam sa akin ang rejection.
"Ayan! Ang ganda-ganda mo na girl."
Nagbalik ako sa aking sarili at naputol ang malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang matinis na boses ng baklang naglalagay ng kolorete sa mukha ko.
Nasa isang hotel ako ngayon. Nakaharap sa isang malaking salamin kung saan nakikita ko ang sarili kong halos hindi ko na makilala.
Ito ang ikalawang linggo sa huling buwan ng taong kasalukuyan. Ito ang araw ng pag-iisang dibdib ni kuya Wade at ate Mikaela.
Mamayang hapon pa magaganap ang seremonya ng kasal pero maaga kaming pinapunta rito sa hotel para sa isang photoshoot.
Kaya lang ay kahapon pa masama ang pakiramdam ko. Kahapon ko pa nararamdaman ang bigat ng katawan ko, pinipilit ko lang na tumayo at makisama dahil napakaimportante ng araw na 'to para kay kuya Wade at ate Mikaela. Isa rin malaking pribelehiyo ang mapasama ako sa entourage nila.
Ang sabi kasi, iyong mga pinipiling bridesmaid ay 'yong mga babaeng naging malapit sa bride.
Hindi ko nga akalain na ganito na agad ako kalapit sa puso ni ate Mikaela at ginawa niya akong isa sa mga bridesmaid niya.
Sa malawak na hardin ng hotel ay nagsama-sama kaming mga bridesmaid, bride at maid of honor.
"Okay ka lang? Nanlalamig ka kasi." Tanong sa akin ni Aika na siyang katabi ko habang umaanggulo kami sa camera ng isang professional photographer na nasa harap namin ngayon.
Si Aika ang maid of honor at ang sabi niya ay nalalapit na rin daw siyang ikasal. Kapatid siya ni ate Mikaela, pero ang totoo...hindi sila tunay na magkadugo and that's a long story.
"Oo, okay lang ako." Sagot ko sa tanong niya at saka ko siya tipid na nginitian.
Kumunot ang noo niya at pinakatitigan ako. "Are you sure? Parang pinagpapawisan ka rin kasi."
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Ficción GeneralAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
