Thank you sa lahat ng mga readers ko na matyagang naghihintay ng update at ngayon magtatapos na naman ang isang HBB story, but don't worry kasi lahat naman sila magkakaroon ng kwento. Hintayin niyo lang. And again maraming salamat sa pagsuporta sa ABID. #ABIDWakas
Btw I dedicate this chapter to @Jemaica_14 ang sarap lang basahin ng comment mo sa mga kwento ko. 😊
**WAKAS**
Pagbukas ng mga mata ko ay ang malabong liwanag ang tumambad sa aking paningin. Puro puti ang nakikita ko.Hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin ko at mapagtanto kong ang ang puting kisame at malamlam na liwanag ng ilaw na nakakabit dito ang nasisilayan ko.
Pamilyar ang lugar na 'to.
Nilibot ko pa ang paningin ko at doon ay naging malinaw sa akin ang lahat. Nasa ospital ako.
Napangiti ako nang sa gilid ko ay nakita ko si Wein na nakasubsob ang mukha sa gilid ng hospital bed na hinihigaan ko. Mahigpit niyang hawak ang isa kong kamay.
Marahan ko namang hinaplos ang malambot niyang buhok pero saglit na napahinto at napaisip.
Bakit nga ba ako narito? Ano ba ang nangyari?
"Keight, wag mong pababayaan ang apo ko, huh?" ani lola Eupemia.
Kausap ko siya ngayon dito sa isang sulok, nakatayo kaming pareho sa may tapat ng railing ng veranda restaurant dito sa manila yacht club. Napakaganda ng overlooking view dito. Napakarelaxing at romantic ng ambience, tamang-tama na dito naisip ni Wein na idaos ang engagement party namin, matapos niyang mag propose sa akin sa yate habang lumilibot kami sa manila bay kanina.
Tumango ako at nginitian ko si lola Eupemia. "Ako pong bahala sa kanya, lola."
Napakunot ang noo ko nang kuhanin niya ang kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit.
"Masaya ako na ang babaeng katulad mo ang minahal ng apo ko. Naniniwala ako na ikaw na talaga ang para sa kanya, Keight."
"Sana nga po. Salamat po pala sa pagtanggap niyo sa akin ng buong-buo sa pamilya niyo."
"You deserve to be part of our family."
"O, bakit ka umiiyak?" Natatawang tanong ni lola Eupemia sa akin. Ipinunas niya pa nga ng panyo niya sa mga luha ko.
Hindi ko alam na umiiyak na naman pala ako. Siguro dahil sa sobrang saya.
"Tears of joy lang po." sabi ko sa kanya.
"Kailan niyo balak magpakasal?" tanong ni lola Eupemia pagkatapos niyang punasan ang mga luha ko.
"Hindi ko pa po alam."
"Pero siguro bukas na bukas, simulan na nating pagplanuhan ang kasal niyo."
"Bukas na po?"
"Oo. Excited na ako, eh."
"Ah...s-sige po."
"Keight!"
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Fiksi UmumAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
