Kabanata 11
Init
"Sigurado ka na okay lang kahit hindi ako mag formal attire?" Tanong ko kay Jhel.
"Okay lang 'yan kay boss. Cool 'yong boss ko na 'yon, ayaw niya ng masyadong formal. Gusto niya kapag kakausapin ka niya, just be yourself. Diba ang cool niya? Ang layo-layo niya doon sa boss mong si Wein na napakametikuloso. Kala mo naman kung sinong perpekto." Inirelyo pa ni Jhel ang kanyang mga mata.
"Wag mo na ngang ipaalala sa akin ang isang 'yon at nag-iinit na naman ang ulo ko."
"Sorry na. Teka nga at tatawagin ko lang muna si Brenan."
Paglabas ni Jhel ng bahay para tawagin si Brenan na siyang magbabantay sa kapatid ko, na abala sa panonood ngayon ng TV. Tinignan ko muna ulit ang sarili ko sa harap ng malaking salamin na nakadikit sa pader, dito sa may sala. Hinagod ko ng tingin ang sarili ko, mula ulo hanggang paa.
Pinili kong ilugay lang ang mahaba kong buhok. Plain v-neck white shirt naman ang isinuot kong pang-itaas at fitted na pants, 'tsaka itim na sneakers.
"Good evening, Keight. Gabi na pero nagliliwanag ka pa rin sa ganda." anas ni Brenan pagpasok niya sa loob nitong apartment.
"Aysus. Nambola pa'to. Bantayan mo si Ken, huh? Wag na kayong lalabas." Bilin ko sa kanya.
"Masusunod po." Tugon naman niya at saka siya lumapit sa kapatid ko at tumabi sa kinauupuan nito.
"Spongebob na naman? Dapat ang pinanonood mo, basketball. Basketball ang mga palabas para sa mga lalaki. Di ka naman yata lalaki, eh." Pambubuyo ni Brenan sa kapatid ko.
"Lalaki ako."
"Kung lalaki ka, dapat basketball ang pinanonood mo."
Napataas ang isa kong kilay sa pinagsasasabi nitong si Brenan. Gusto lang talaga niyang manood ng basketball, inuuto lang niya ang kapatid ko.
"Lipat mo na para maging tunay kang lalaki." Dagdag pa nito.
Napailing-iling na lang ako.
"Ken, aalis na kami huh? Wag kang magpapasaway kay kuya Brenan, kapag inaantok ka na o kapag may kailangan ka, magsabi ka kay Brenan. Okay? Babalik agad si ate."
"Ate, bili ka po pagkain."
Napangiti ako bago tinanguan ang kapatid ko.
Nakakatuwa kasi na okay lang sa kanya kung iwan ko siya, basta pag-uwi ko ay kailangan may pasalubong akong pagkain sa kanya.
Pagbaba namin ni Jhel sa taxi na sinasakyan namin ay napatitig ako sa malaki at umiilaw na signboard, sa bar na nasa tapat namin. Caelum Disco bar.
Dalawang taon na rin ng huling beses na makapasok ako rito. Mas lumaki ito at mas lumiwanag ang labas.
Ang sabi nga sa akin ni Jhel ay nirenovate raw ito, pinalitan na rin ang dati nitong pangalan na Rexofeil dahil dalawa na ang nagmamay-ari nito ngayon at may tatlong branch na nito sa metro manila.
May dalawang entrance ang Caelum. Isa para sa mga guest at isa naman para sa mga employee or staff.
Walang kahirap-hirap na nakapasok kami ni Jhel sa loob ng Caelum at nagtungo sa locker room, mag reretouch daw muna siya bago magpakita sa boss nila na nasa office nito sa itaas.
"Kailangan magandang-maganda ako. Minsan lang mapadpad si boss dito." ani Jhel.
"Minsan lang?"
"Oo, minsan lang. Siguro sa isang buwan, dalawang beses lang siyang pumunta. Minsan pa nga ay hindi talaga siya pumupunta. Alam mo kasi, dati madalas talaga siya rito, kaso 'nong nadagdagan ng branch 'tong Caelum, ayon naging busy siya sa ibang branch. Supposedly, 'yong bunso niyang kapatid sana ang magha-handle nitong branch dito, kaya lang ay napapabayaan naman 'yong sa may pasay kaya nagfocus doon si sir Rayneil. Isang buwan lang niyang hinandle 'to."
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Ficción GeneralAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
