Kabanata 28
I know you
"Wein, ano ba!? Saan mo ba ako dadalhin?"
Pumapalag na ako sa ginagawang panghihila ni Wein sa akin. Nakalabas na kami ngayon ng conference hall at ngayon ay naglalakad kami sa tahimik na hallway papunta sa kung saan.
"Wein, ano ba? Kailangan kong mag banyo."
Ayoko ng magpatianod sa panghihila niya, pero kahit anong pagtanggal ko sa kamay niyang mahigpit na nakakapit sa pulsuan ko ay hindi ko iyon maaalis, kaya patuloy niya akong natatangay.
"Wein, bitawan mo nga muna ako." naiinis ko ng hasik sa kanya.
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay nag-igting ang kanyang panga at tinignan ako mula ulo, hanggang paa.
Ang akala ko ay pakakawalan niya na ako pero muli lang siyang naglakad at hinila ako.
"Wein, ano ba? Ang sabi ko magbabanyo ako."
"Pwede bang sumunod ka na lang muna sa akin." aniya habang hinihila niya ako at hindi ako nililingon.
Pumasok kaming dalawa sa elevator at pinindot niya ang floor kung saan naroon ang office niya.
"Ano bang problema mo, Wein? Bigla-bigla ka na lang nanghihila pagkatapos akong mabuhusan ng girlfriend mo ng iniinom niya." sabi ko.
"Sinandya niya 'yon."
Kumunod ang noo ko sa sinabi niya. "A-Ano? S-Sinadya ni Bethilda na itapon sa akin 'yon?"
"Yup."
Nag-igting ang panga ko at naikuyom ko ang aking mga kamao. "At alam mo na gagawin niya 'yon?"
"Nararamdaman ko na nagseselos siya sa atin. Well, she's actually been like that since I told her that you and I are soon to get married. But...I have no idea that she would do that."
"Hindi mo ba pinaliwanag sa kanya ang totoo? Na wala siyang dapat ipagselos, kasi...wala naman tayong balak na ituloy ang kasal. Dapat sinabi mo na gumagawa na tayo ng paraan para hindi matuloy 'yon."
"I explained it to her, many time. Akala ko pa nga, naiintindihan niya ang sitwasyon natin. Hindi rin pala. I thought she's different."
Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Wein at saka dahan-dahang pinakawalan niya ang pulsuan ko. Saktong narating na rin namin ang floor number na pinindot niya kanina.
"Sumunod ka sa akin sa office." Baritono at ma-awtoridad niyang sabi bago siya naunang lumabas sa elevator. Sumunod naman ako sa kanya.
Pagpasok namin ni Wein sa office niya ay nanatili lang akong nakatayo sa harap ng nakabukas na pinto at nagtatakang sinusundan ng tingin si Wein na may kinukuha sa ilalim ng kanyang working table.
Naglikot ang mga mata ko rito sa office. Muli kong naalala ang mga araw na nagtrabaho ako rito. Hindi iyon umabot man lang ng isang buwan, pero hinding-hindi ko iyon makakalimutan.
Napangiti ako ng makita ko ang mesa kung saan ako nakapwesto noon at naghihintay na utosan ni Wein. Halos dumikit na nga ang pwet ko sa upuan dahil lagi na lang akong nakaupo roon.
"What are you smiling at?"
Napatingin ako kay Wein na may dalang puting paper bag at naglalakad siya palapit sa akin.
"W-Wala naman. Naalala ko lang noong nagtatrabaho pa ako rito. Nakakatuwa lang isipin kasi noon, laging magkasalubong ang mga kilay mo at laging nakakunot ang noo mo. Pero ngayon, madalas na kitang nakikitang ngumingiti. May improvement na ang relationship natin."
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Aktuelle LiteraturAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
