Kabanata 7
Party"Are you ready for your punishment?" Tanong ni Wein kasunod ng pagtayo niya ng maayos, mula sa pagkakaupo niya sa kanyang mesa.
Maliliit na hakbang ang ginawa niya hanggang sa tuluyan na siyang makalapit sa akin.
Makailang ulit akong napalunok laway at para na akong matutumba sa kinatatayuan ko dahil sa panginginig ng aking mga tuhod. Nakakabulabog ng sistema ang presensya ni Wein.
Namilog ang mga mata ko nang inilapit ni Wein ang mukha niya sa akin kaya napaliyad ako.
"S-Sir. A-Ano po pong g-gagawin niyo?" Nauutal kong tanong sa kanya.
Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy lang siya sa paglapit ng mukha niya sa akin kaya nagpatuloy din ako sa pagliyad, para ilayo naman ang mukha ko. Hinanda ko na rin itukod ang mga kamay ko sa dibdib niya, sakaling dumikit man ito sa akin.
Habang inilalapit ni Wein ang mukha niya. Halo-halo naman ang emosyon na nararamdaman ko. Natatakot ako, pero may bahagi ng pagkatao ko ang tila nananabik at hindi iyon maidedeny ng puso kong dumadagundong sa lakas ang tibok ngayon.
"S-Sir...wag po." Itinukod ko ang mga kamay ko sa dibdib niya pero wala itong kalakas-lakas. Hindi ko siya magawang itulak.
Sa halip ay napapikit lang ako. At oo, sa mga oras na'to ay iniisip kong hahalikan niya ako.
"Outch!" Daing ko ng maramdaman ko ang malakas na pagpitik sa noo ko.
Pagdilat ko ay nakita kong nakaangat ang isang sulok ng labi ni Wein habang nakatingin siya sa akin.
"May papikit-pikit ka pa dyan, anong akala mo...hahalikan kita? Psh. Asa ka."
Parang gusto kong lamunin na lang ng lupa at mawalang parang bula dahil sa hiya.
Bakit kasi nag expect ako ng ganoon?
Naglakad na si Wein pabalik sa kanyang upuan, ako naman ay hinimas-himas ang aking noo na pakiramdam ko ay namula dahil sa lakas ng pitik niya.
Wala pa rin pagbabago ang trabaho ko. Nakakaboring pa rin dahil bihira lang akong utusan ni Wein, minsan nga ilang oras akong nakaupo lang kaya nakakatulog ako sa pwesto ko.
Mas gugustuhin ko pa 'yong marami akong ginagawa kaysa sa ganito na nakatunganga lang ako. Sayang ang effort ko na mag suot ng proper attire kasi nakatunganga lang naman ako rito na parang mannequin.
Dumating ang araw ng birthday party ni Wade Hernandez, nakatatandang kapatid ni Wein. Hindi ko pa ito nakikita kaya naeexcite akong makita siya, lalo na itong kaibigan kong si Jhel na isasama ko sa party mamaya dahil iyon ang bilin ni lola Eupemia.
"Walang talab ang gandang babae ko kay Wein, baka kay kuya umepekto." anas ni Jhel na naglalagay pa ng false eyelashes. "At saka malay mo diba, kaya ako ininvite rin ni ma'am Eupemia kasi ako ang ipapagkasundo niya kay Wade." Kinikilig pa nitong sabi.
"Taas ng expectation mo, huh? Yari ka mamaya...expectation, versus reality." sabi ko naman habang nang-aasar ko siyang nginitian.
Pinanonood ko lang siyang mag make-up and at the same time ay naghihintay na rin, siya kasi ang magmi-make up sa akin dahil hindi naman ako marunong.
"Kabanas ka naman! Malay lang naman, diba? KJ mo!"
"Wag na kasi natin ipilit."
"Kung sa bagay, ikaw ngang maganda, hindi napapansin ng gwapo mong boss. Ako pa kaya na slight lang ang kagandahan."
"Ate, matagal pa po ba tayo aalis?"
Napalingon ako sa pinto at nakita roon ang kapatid kong bihis na at mukhang naiinip na rin. Wala pa kasing alas-singko ng umalis kami ng bahay papunta rito sa kay Jhel, alas sais pa naman ang birthday party at mag aalas sais na rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/72981521-288-k180907.jpg)
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Ficción GeneralAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...