Kabanata 33
First timeNakakatuwang marinig ang mga huni ng ibon na gumising sa akin.
Pikit mata akong nag-unat habang nakahiga at nang idilat ko ang aking mga mata ay saglit akong napaisip ng maalala kong magkasama nga pala kami ni Wein na natulog dito sa kwarto niya, pero wala na akong katabi ngayon at ang unan na inilagay ko sa pagitan namin ay narito pa rin.
Umangat naman ang tingin ko sa nakabukas na sliding door papunta sa balcony. Mula kasi roon ay tumatama rito ang sinag ng araw.
Dahan-dahan akong bumangon sa kamang hinihigaan ko. Napahikab ako at saka dahan-dahang naglakad papunta sa balkonahe.
Nasa bungad pa lang ako ng pinto ay naaamoy ko na ang pang-umagang hangin na kay sarap samyuhin.
At nang makahakbang na ako palabas ay nagulat ako nang makita ko si Wein.
Nakaupo siya sa wooden bench na nasa gilid. Nakasuot siya ng sweat pants at walang pang-itaas. Ang kanyang mga paa ay nakataas sa coffee table, gulo-gulo pa ang kanyang buhok at nakapatong sa kanyang mga hita ang kanyang laptop, mayroon din siyang suot na headphone.
“What the fvck! We need a fvcking gank! Where the fvcking hell is our jungler? Humpy what the fvck are you doing? I swear to God I’m gonna start feeding!” Iritadong bulalas ni Wein.
Ang akala ko ay may office work siyang ginagawa. Naglalaro lang pala ng online game.
"Hayup! Bakit nag DC si Daren? Gagong unggoy! Ano? FF na ba? We don't have a chance."
Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi ni Wein at masyado siyang busy pero gusto ko sana siyang tanungin kaya umubo ako kunwari.
Nakuha ko naman agad ang atensyon niya nang lumingon siya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.
"G-Good morning." Nauutal pa ako ng batiin ko siya at saka hilaw ko siyang nginitian.
Ang akala ko ay pagsusungitan niya ako pero hindi iyon ang ginawa niya. Sa halip ay nginitian niya rin ako. Tinanggal niya pa nga ang kanyang headphone at nagmamadaling ibinaba ang kanyang laptop sa coffee table at saka tumayo sa inuupuan niya.
"Nagugutom ka na? Tara kain na tayo." yaya niya sa akin.
Itatanong ko nga sana sa kanya kung kumain na siya, pero sa sinabi niya ay alam ko na ang sagot.
"Kanina ka pa ba gising?"
"Medyo. Mga one hour na rin siguro?"
"Bakit hindi ka agad kumain?"
Muli kong naramdaman ang paninigas ng katawan ko nang saluhin ni Wein ang magkabila kong pisngi.
"Because I'm waiting for you to wake up. Gusto ko sabay tayong kumain."
Ang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa malambing niyang pananalita at sa mainit na palad niyang nakadampi sa pisngi ko.
Nag-iwas din ako ng tingin dahil sa paninitig ni Wein sa akin.
"Teka lang at mag c-cr muna ako. Tapos, kumain na tayo." sabay alis ko sa kamay niyang nasa mukha ko.
Saglit lang ako sa cr. Naghilamos lang naman ako at nagsipilyo. Paglabas ko ay nakita ko si Wein na naka shorts na at naka t-shirt.
Pagbaba namin ay ang tawanan nila lola Eupemia ang bumungad sa amin. Nakakandong pa nga si Ken kay kuya Wade at may kung anong app game na itinuturo sa kapatid ko.
"Eto na ang dalawang mukhang napasarap ang tulog." ani lola Eupemia na ang lapad ng ngiti sa amin ni Wien.
"Kumain na kayo at maya-maya'y sisimulan na natin mamasyal dito sa baguio, pagdating ni Rocco." ani lola Eupemia.
![](https://img.wattpad.com/cover/72981521-288-k180907.jpg)
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...