Kabanata 24
Girlfriend
"Are you coming here again tomorrow?" Tanong sa akin ni sir Axel habang hinihintay namin na bumukas ang elevator. Pababa na kasi kami ngayon.
Mabilis na naubos ang tinda ko, kasi tinulungan niya akong ibenta iyon. Siya ang nanghihikayat sa mga employee na bumili ng tinda ko.
Siguro ang iba ay nahiya kay sir Axel kaya napabili. At saka sa gwapo ba naman ng nagpopromote ng tinitinda ko, sino ang hindi mapapabili?
"Opo sir." sagot ko sa tanong niya kasunod ng pagbukas ng elevator na walang ibang tao sa loob.
Agad naman kaming pumasok dito.
"Great! By the way, wag ka na mag po sa akin. Don't be too formal. Just call me, Axel. Kasi, close na tayo, diba? 'tsaka hindi mo naman ako amo. Treat me like a friend."
"Pero isa kayo sa mga---"
"Si Wein nga hindi mo tinatawag na sir, kaya wag mo na rin akong tawaging sir." Putol niya pa sa sasabihin ko.
"O-Okay." Nag-aalinlangan kong sabi at saka ko nginitian si Axel na nginitian din ako. Pagkatamis-tamis pa nga ng ngiti niya.
"Salamat nga pala." Dagdag ko pa sa kanya.
Kumunot naman ang kanyang noo at nagtatanong akong tinignan.
"Salamat saan?"
"Salamat kasi tinulungan mo akong ibenta ang mga niluto ko."
Ngumiti siya at inabot ng isa niyang kamay ang kanyang batok at saka tila nahihiya niyang kinamot iyon habang bahagya siyang nakayuko.
"Wala 'yon. Mukha naman kasing masarap 'yong tinda mo kaya maraming bumili."
"Sana nga magustuhan niyo."
"Mamaya ko 'yon mahuhusgahan, pagbalik ko sa office."
"Hindi mo naman kasi kailangan pa akong ihatid palabas. Nakakahiya. Para namang napaka-importante kong tao."
"But you seem so special. Ikaw pa lang kasi ang pinapayagan ni Wein na magtinda dito sa loob ng company at saka hindi 'yon basta-basta tumatanggap ng mga bagay galing sa babae. Unless, you're a very close friend, a girlfriend or a family. Lalo na pag pagkain ang binigay mo." Napailing-iling si Axel. "Malabong tatanggapin niya 'yon because he strongly believes na baka may gayuma 'yon."
Kinagat ko ang ibaba kong labi kasabay ng pagsibol ng mumunting kaba sa dibdib ko dahil sa obserbasyon ni Axel. Baka mabuko niya na may something nga talaga sa amin ni Wein.
"N-Naging malapit lang talaga kami noong nagtatrabaho pa ako sa kanya."
Napatango-tango lang si Axel sa mga sinabi ko pero mukhang may pagtataka pa rin na mababakas sa kanyang mukha.
Sinamahan ako ni Axel hanggang sa labas ng H.Co building. Nakakailang nga kasi pagbaba namin sa lobby ay pinagtitinginan kami ng ilang employee, siguro kasi ay si Axel ang nagbibitbit ng basket ko.
Ang kulit-kulit niya kasi kanina sa elevator bago kami bumaba. Inaagaw niya 'yon sa akin, kaya binigay ko na lang sa kanya.
"Saan ka sasakay niyan? Wala namang dumadaang jeep dito." Tanong niya sa akin habang seryoso siyang nakatingin sa mga sasakyan na dumaraan dito sa tapat ng building.
"Tatawid muna ako, tapos maglalakad." tumuro ako sa malayo. "Banda roon, may jeep na."
"Ingat ka sa pagtawid. I'll see you tomorrow."
Muli kong nakita ang maganda niyang ngiti at kinuha ang basket ko sa kanyang kamay.
Ang bait niya talaga. Mabait na, gwapo pa. Parang si sir Feil.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Fiksi UmumAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
