Kabanata 47

9.3K 224 59
                                        

Kabanata 47
Pakinggan

SPG! (Language)

"Psst! Ganda! Nandyan na ang abugado mo, laya ka na." dinig kong sabi ng isa sa mga pulis dito sa presinto.

"Huy."

Naramdaman ko naman ang ilang ulit na pagtapik sa akin ng isa sa mga preso na kasama ko.

Mula sa pagkakasubsob ko sa aking mga tuhod na yakap-yakap ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at malamig na tinignan ko ito.

"Laya ka na raw."

Sa labing dalawang oras ko na narito. Hindi ang kung kailan ako makakalaya ang naglaro sa isip ko, kung di ang kung kailan ako pupuntahan ni Wein.

Halos kalahating oras lang ng manatili si Jhel dito dahil iyon ang pakiusap ko sa kanya. Nag-aalala kasi ako para sa kapatid ko na nagtatanong na kung nasaan daw ba ako at bakit hindi pa ako umuuwi.

Ayokong malaman ni Ken na nandito ako kaya ang sabi ko kay Jhel ay siya na ang bahalang gumawa ng kwento na isasagot niya sa kapatid ko.

"Ang swerte nitong si ganda at hindi nagtagal dito sa kulungan." sabi pa ng isa sa mga presong kasama ko.

Ako, maswerte? Nakalaya nga ako pero magnanakaw na ang turing sa akin ng marami, sira na ang tiwala sa akin ng mga taong pinagkakautangan ko ng loob. Ano pa ang mukhang ihaharap ko sa kanila?

Walang kagana-gana akong tumayo sa kinauupuan ko. Napapikit at napangiwi pa nga ako nang maramdaman ko ang sakit ng nangawit kong mga binti dahil sa ilang oras kong pagkakaupo sa malamig at matigas na semento.

"Magpapakabait ka na, ganda. Sayang ang ganda mo. Artistahin ka pa naman." sabi pa ng kasama kong preso.

Puro babae ang kasama ko kaya hindi ako naging ganoon katakot sa kanila, natakot lang ako na magtatagal ako sa loob ng rehas.

Laglag ang balikat ko paglabas ko ng kulungan. Nanghihina ako dahil sa lungkot na nararamdaman ko.

"Siguro naman magtatanda ka na, ne? Pasalamat ka at napakiusapan ng mga Hernandez ang complainant mo."

Naririnig ko ang mga sinasabi ng pulis pero tulala lang akong nakatingin sa pinto.

Gusto ko ng lumabas dito. Gusto ko ng umuwi sa condo at kausapin si Wein.

Bago ako lumabas ng pulis station ay masinsinan ko munang nakausap si Atty, Chavez.

Si Attorney Chavez ay isang batang abugado. Sa tantya ko ay matanda lang siya ng kaunti sa amin ni Wein. Gwapo at siguradong habulin ng mga babae.

"Good morning Ms. Barcelo, ako si Atty. Chavez. Pinapunta ako rito ng mga Hernandez para---"

"Nasaan sila?" putol ko sa pagsasalita nito.

"Busy ang mga Hernandez ngayon kaya ako lang ang pinapunta nila rito."

Matama kong tinignan si atty. Chavez.

"Tinulungan nila akong makalaya kasi naaawa sila sa akin, hindi dahil naniniwala sila sa akin. Tama ako attorney, diba? Kaya hindi sila nagpakita rito dahil lumalayo na sila sa akin, dahil sira na ang tiwala nila sa akin."

Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Hindi naman nakasagot sa akin si atty. Chavez, siguro dahil tama ang sinabi ko.

"Ne, bag mo o." Inabot naman sa akin ng isa sa mga pulis ang bag mi Jhel na ginamit ko. Akala ko ay hindi na ito makakabalik pa sa akin.

Kinuha ko agad 'yon kay SPO 1 Cabrote. Agad din naman siyang lumayo sa amin ni atty. Chavez.

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon