A/N: Nakalimutan ko username mo. Sa facebook lang kasi kita nakakausap. Basta this chapter is dedicated to you, Jonalyn Suriaga. Sana mabasa mo 'to. Salamat kasi ramdam na ramdam ko ang suporta mo sa mga kwento ko.
Kabanata 41
What's funny?
Nagising ako nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Wein na pinipisil-pisil ang dibdib ko at hinahalik-halikan ako sa leeg.
Masarap sa pakiramdam ang ginagawa niya, pero inaantok pa ako. Anong oras na kami nakatulog, tapos gigisingin niya ako na parang gusto na naman niyang may mangyari? Walang kapaguran ang lalaking 'to.
"Wein, ano ba!" Saway ko sa kanya, pero mahinahon lang 'yon.
Pikit mata kong tinanggal ang kamay niya sa dibdib ko dahil ayaw niya pa rin tumigil. Hindi naman siya nagmatigas nang awatin ko siya, pero niyakap niya ako ng mahigpit at sininghot niya ang batok ko.
"Good morning, Honey bunch." bati niya sa akin.
Nakakapang-akit ang boses ni Wein. Lalaking-lalaki kasi iyon, namamaos na para bang kinakapos sa paghinga. Hinahalik-halikan niya na ngayon ang leeg at braso ko.
"Wein, hindi ka pa ba nagsasawa?" tanong ko sa kanya habang pikit pa rin ang aking mga mata.
"Bakit naman ako magsasawa? Even if I'll always make love to you, hindi ako magsasawa sa'yo."
Mas lalong humigpit ang pangyayapos ni Wein sa akin. Idinilat ko naman ang mga mata ko. Saglit pa nga akong nagulat kasi wala na pala kami sa sofa, nasa kwarto niya na kami at nang nilingon ko siya ay nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko, nakatagilid siya paharap sa akin at pikit ang kanyang mga mata. Kaunting galaw ko lang ay maaabot na ng labi ko ang mga labi niyang mapupula.
Naninigarilyo si Wein pero ang pula-pula ng labi niya. Ang sabi kasi, nakakaitim daw ng labi ang sigarilyo pero sa tuwing mapapatingin ako sa labi ni Wein ay ayoko na talagang maniwala sa sabi-sabi.
"Anong oras ka umuwi kagabi? At saka saan ka ba galing? Bakit naman natitiis mong hindi ako uwiin dito, Wein?"
Wala naman akong planong magdrama sa kanya, pero basta na lang nanikip ang dibdib ko nang maalala ko ang hindi niya pag-uwi rito sa condo. At saka eto na siguro 'yong oras para makapag-usap kami ng masinsinan.
"Paano kung...may pumasok na masamang loob dito? Ganyan ka ba talaga kapag may problema tayo? Aalis ka ng walang pasabi?" dagdag ko pa.
"I'm sorry." Nag-angat ng tingin si Wein. Sa lapit ng mukha naming dalawa ay naaamoy ko na ang hininga niya.
Natulog na siya't lahat ay ang bango pa rin ng hininga niya. Tao ba talaga 'tong si Wein? He's too perfect.
"Alam ko gasgas na'tong sorry, pero sorry talaga. Mapapatawad mo ba ako?" Nanghaba ang kanyang nguso. Para siyang batang nanghihingi ng simpatya sa nagawang kasalanan.
Matanda na si Wein, pero bagay pa rin 'yon sa kanya. Naghahalo ang cuteness at hotness kapag siya ang gumagawa 'non.
Hinalik-halikan ni Wein ang pisngi ko habang paulit-ulit siyang nag so-sorry sa akin.
"Ano ba kasing problema? 'tsaka nag-text ako sa'yo. Natanggap mo ba?"
"Natanggap ko ang text mo kaya lang low bat ako at late na ng maisip kong i-charge. Sa isang hotel malapit dito ako tumuloy. Masama talaga ang loob ko sa'yo 'non. Bukod kasi sa...hindi mo natandaan ang monthsary natin, pinagselos mo pa ako."
Sabi ko na nga ba at iyon ang ipinuputok ng butsi niya.
"Sorry din. Sorry kung nakalimutan ko ang monthsary natin. Masyado kasi akong maraming ginagawa, alam mo naman na kinakapa ko pa ang trabaho ko bilang secretarya mo."
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
