Kabanata 40
Anong problema?
Warning: Mainit ito.😂
"Mang Roy, pwede po bang pakihatid niyo na lang si Keight at Ken sa condo? May pupuntahan pa kasi ako."
Nagulat ako nang marinig ko ang utos na 'yon ni Wein sa driver ni lola Eupemia. Maging si mang Roy nga ay nagulat din at napatingin pa nga sa akin bago nagbalik ang tingin niya kay Wein.
"S-Sige po, sir."
Nagtatanong kong tinignan si Wein dahil sa pabigla-bigla niyang desisyon.
Pagkatapos namin magpaalam kay lola Eupemia at ngayong nakalabas na kami ng bahay ay bigla niyang sasabihin na may pupuntahan siya kaya kay mang Roy niya kami pinahahatid.
"Saan ka pupunta?"
Kanina pa kami hindi nag-uusap ni Wein at wala sana akong balak na maunang kausapin siya, pero hindi ko na talaga napigilan na magtanong.
"Dyan lang. Sige na, pumasok na kayo sa sasakyan." aniya na parang pinagmamadali pa niya kaming makauwi.
In the end. Wala naman akong nagawa kung di ang sumunod kay Wein. Gusto kong awayin siya pero umurong ang pagiging amazona ko. Siguro dahil wala rin ako sa mood makipag away sa kanya ngayon.
Ang kotse ni Wein ang unang lumabas sa malaking garahe dito sa bahay ni lola Eupemia. Pagkalabas na pagkalabas ng kotse niya ay agad niya itong pinaharurot, para bang ayaw niyang masundan namin siya.
Lalong tumindi ang inis ko kay Wein dahil sa ginawa niya. Subukan lang niyang umuwi ng madaling araw mamaya at magwawala talaga ako. Nakakakulo siya ng dugo kapag sinusumpong siya ng kasungitan niyang wala sa lugar.
Sa sobrang inis ko nga sa kanya kanina ay naiyak na lang ako at ngayon, parang gusto ko ng humagulgol.
Alas-nuebe na nang makarating kami sa condo ni Ken. Bago kami umalis sa bahay ni lola Eupemia ay kumain muna kami roon kaya pagdating namin dito sa condo ng kapatid ko, busog na kami.
Pabagsak akong naupo sa sofa at binuksan ang T.V.
"Tara na dito, Ken." Yaya ko sa kapatid ko.
"Ate, wala naman akong assignment ngayon."
Alam na agad ng kapatid ko na kapag tinatawag ko siya, ang ibig sabihin 'non ay gagawa na kami ng assignment.
"Weh?" Pinanliitan ko ng mga mata ang kapatid ko.
Nagkamot naman siya ng kanyang ulo. Mukhang frustrated agad kasi hindi ako naniwala sa sinabi niya.
"Ate naman, eh. Wala talaga akong assignment. Good boy naman ako, di kita niloloko." pangangatwiran niya.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Ternong sando at shorts na may spiderman ang suot niya kaya naisip ko ang kanyang uniform.
"Nasaan na ang pinaghubaran mong uniform?" Tanong ko.
"Nasa bag ko po, ate."
"Kunin mo at ilalagay ko na sa labahan ng maisabay ko sa paglaba bukas."
Nagmamadaling kinuha ng kapatid ko ang uniform niya sa kanyang bag na naipasok na pala niya sa kwarto namin.
Dahil walang pasok bukas at wala rin naman akong lakad. Maglalaba na lang ako.
Lumipas ang ilang oras. Ang bilis naman talaga matapos ng araw, maghahating gabi na at panibagong araw na naman ang itatakbo ng kalendaryo.
"Ken, ubos mo na ang gatas mo, matulog ka na."
"Ikaw po, ate?"
"Susunod na lang ako."
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
