Kabanata 17
Paano kung...
Pikit mata akong nag-unat pagkagising ko. Ang sarap ng tulog ko at sa lambot ng hinihigaan ko ay tinatamad pa akong bumangon dito. Ganito naman parati ang senaryo sa tuwing umaga at gigising ako, simula ng lumipat kami ng kapatid ko rito sa condo ni Wein ay nahihirapan na akong bumangon sa kama, para kasing gusto kong humiga na lang dito hanggang sa matapos ang araw.
"Ken-Ken." Malambing at namamaos kong pagtawag sa kapatid ko habang kinakapa ko siya sa gilid ko. "Ken-Ken, nasaan ka ba?"
Nang wala akong makapa sa tabi ko ay dahan-dahan ko ng idinilat ang mga mata ko at ga'yon na lamang ang pagkabigla ko ng makita kong wala akong katabi.
Agad akong napabalikwas sa higaan ko at nang iginala ko na ang mga mata ko sa kwartong kinaroroonan ko, 'tsaka ko lang napagtanto na wala nga pala ako sa kwarto namin ni Ken.
"Oo nga pala!" Naitutop ko ang isa kong palad sa aking noo. "Nasa kwarto nga pala ako ni Wein."
Dahil ito ang unang beses na nakapasok ako rito sa kwarto ng masungit na si Wein, pero sobrang bait kapag lasing. Inobserbahan ko ang lahat ng mga nakikita ko ngayon sa kwarto niya.
May isang malaking poster ng sikat na NBA player ang nakadikit sa puting pader nitong kwarto niya, mayroon din siyang lalagyan ng kanyang mga trophies, certificate, medals at ibat-ibang award na hindi ko malaman kung saan niya nakuha. Natuon ang paningin ko sa kanyang bookshelf na may tatlong layer at puno iyon ng mga libro.
Malaki itong kwarto ni Wein, pero sa dami ng gamit niya ay nagmumukha itong maliit, lalo na't nakakalat ang iba niyang gamit sa sahig.
Kaya pala hindi ganoon karami ang gamit niya sa bahay ni lola Eupemia ay dahil nakatambak dito ang ilan.
Natuon naman ang paningin ko ngayon sa bedside table ni Wein na may electric alarm clock sa tabi ng lampshade at frame na may nakalagay na studio picture ni Wein, close up pa nga ito.
Napangiti ako at kinuha ko ang frame para mas matitigan ko ang mukha ni Wein sa picture. Sobrang gwapo niya. Ang kinis ng kanyang mukha at ang ganda ng kanyang mga mata, ang pupula ng kanyang labi at ang talas ng kanyang panga.
Kinagat ko ang ibaba kong labi at marahang hinaplos ang picture ni Wein.
"Bakit ba ang gwapo mo?" Tanong ko sa walang buhay na frame.
Bigla naman akong naalarma nang marinig ko ang pagpihit ng siradora sa pinto ng banyo rito.
May tao doon?
Natataranta kong ibinalik ang picture frame sa ibabaw ng bedside table at nang bumukas ng tuluyan ang pinto ay nailagay ko na iyon sa kung saan ito nakalagay.
Napaawang naman ang bibig ko pagkakita ko kay Wein na lumabas ng banyo. Hindi niya ako napansin kasi nakayuko siya at pinupunasan niya ang kanyang basang buhok, habang nakatapis lamang siya ng puting tuwalya.
Hindi niya ako napapansin na nakatingin ako sa kanya kasi nakayuko siya habang nagpupunas ng buhok, kaya sinamantala ko rin ang pagkakataon. Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang kanyang katawan, simula sa kanyang malapad na balikat, pababa sa kanyang matipunong dibdib na may mga naglalandas na butil ng tubig, pababa sa kanyang tyan na may ilang pirasong pandesal, iyon bang tinatawag nilang abs.
Napalunok ako dahil sa nakikita ko. Nanunuyot na ang lalamunan ko katititig sa katawan niya, kulang na nga lang ay dumugo ang ilong ko.
"O, kanina ka pa gising?"
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang biglang iangat ni Wein ang ulo niya at mapatingin siya sa akin. Alam 'ko, nahuli niya akong nakatingin sa katawan niya. Shit.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
