Kabanata 13

10K 238 13
                                        

Kabanata 13
Pangako

"Keight, sumama ka sa'kin."

Kukunin na sana ni Wein ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa, pero agad ko itong nilayo at kunot noo ko siyang tinignan.

"We-we-wait, ano bang problema, Wein? Kasama ko si Keight, saan mo siya dadalhin?" Nagtatakang tanong naman ni Feil.

Bakit kasi bigla-biglang sumusulpot itong si Wein? Naninira ng moment, kainis!

Pero sa loob ng ilang buwan na hindi ko siya nakita, gwapo pa rin siya. Kaya lang ay kapansin-pansin na mas lumalim ang kanyang mga mata, nangingitim ang ilalim nito. Malamang ay dahil sa puyat, masyado kasi siyang workaholic.

"Two days ng nasa hospital si grandma."

"Anong sabi mo?" Bulalas ko. Parang nagkamali yata ako ng dinig.

"Nasa hospital si grandma at dalawang araw na siya roon."

Tila nanghina ako sa narinig ko mula kay Wein at nakaramdam ng pag-aalala kay lola Eupemia. Bakit hindi, eh napamahal na ako sa matanda at malaki ang naitulong ng pera na ibinigay niya noon sa akin.

"A-Anong nangyari kay lola Eupemia? Bakit siya nasa hospital? Kamusta na siya, Wein?" Sunud-sunod kong tanong.

"Tumaas 'yong blood pressure niya, tapos nahirapan siyang huminga and now she's under observation. Kahapon, sinabi niya sa akin na hanapin daw kita kasi gusto ka niyang makita."

"How did you guys know each other?" Tanong naman ni Feil na halatang nagugulan. Nagpapasalit-salit pa nga ang tingin niya sa aming dalawa ni Wein.

"Tsaka na lang kami magpapaliwanag, dude. Keight, please." Ipinagsalikop ni Wein ang kanyang mga palad at matama niya akong tinignan. "I know you're mad at me but please, come with me. For grandma." puno ng pagsusumamo ang mga tingin ni Wein sa akin, sincered din ang ekspresyon ng kanyang mukha kaya nakumbinsi ko na rin ang sarili ko na sumama sa kanya. 

Tumayo na ako sa kinauupuan ko. "Sige, sasama ako sa'yo, para kay lola Eupemia."

Napatayo na rin si Feil sa kinauupuan niya.

"Kung aalis kayo, eh di sasama ako. Ako ang kasama ni Keight na umalis ng bahay nila at ako rin ang maghahatid sa kanya pauwi." anito.

"Fine. Let's go."

Sa kotse ako ni Feil sumakay at sinundan namin ang sasakyan ni Wein na huminto sa Makati Medical Center.

"Wala naman talaga akong planong hanapin ka, pero paulit-ulit na hinihiling ni grandma na makita ka. Pinuntahan ko kayo sa dati ninyong bahay kasi umasa ako na baka nagpupunta pa rin kayo roon, pero hindi ko kayo nakita roon, nagtanong-tanong ako kung saan na kayo nakatira pero walang makapagsabi." ani Wein habang naglalakad kami sa malawak na lobby ng hospital.

Pasakay na kami ng elevator ngayon papunta sa private room ni lola Eupemia. 

Sa likod namin ni Wein ay nilingon ko si sir Feil na tahimik na sumusunod sa amin habang nasa mga bulsa niya ang kanyang mga kamay.

"Kanina bago ako umalis. Ang sabi niya, medyo nahihirapan daw siyang huminga, may gamot na pinainom sa kanya ang nurse niya and then the doctor suggested her to stay here for three to four days, para mas maobserbahan siya." Kwento pa ni Wein habang nasa elevator na kami.

"Sino ang kasama ni lola Eupemia ngayon?" Tanong ko naman.

"Kasama niya si kuya at ate Mikaela, nandoon din si mom---"

"What did you say?" Tinapik ni sir Feil sa braso si Wein , napahinto si sir sa paglalakad at pati kami ni Wein ay napahinto rin. "Nandoon si Wase at Mikaela?" Tanong pa ni sir Feil habang nanlalaki ang kanyang mga mata na tila ba hindi siya makapaniwala.

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon