Kabanata 37

11.8K 246 59
                                    

Kabanata 37
Mesa

Babala! SPG

Napadilat ako at nagbalik sa aking sarili nang maamoy ko na nasusunog na ang niluluto ko.

Napamura ako at nagmamadaling tinanggal ko ang mga kamay ni Wein na nakapulupot sa baywang ko at saka ko pinatay ang stove.

Kumuha ako ng basahan at inilapag ko sa sink ang kaldero. Pagbukas ko ng takip nito ay umalpas ang maitim na usok at kumalat ang sunog na amoy ng isdang nasa kaldero.

"Ikaw ang may kasalanan nito eh!" Paninisi ko kay Wein.

Tinawanan naman niya ako. "Ako? Ano ba ang ginawa ko?

Inirapan ko siya. "Napaka-clingy mo kasi."

Muli siyang tumawa at ipinulupot niyang muli ang kanyang mga braso sa kamay ko. Ipinatong niya pa ang kanyang baba sa aking balikat.

"Ang sarap mo kasing yakapin. I can't stop it. Batok mo pa lang naaakit na ako." aniya kasunod ng paghalik niya sa batok ko.

"Wein, ano ba!? Nakikikiti ako." Natatawa kong saway sa kanya, pero agad ko rin pinigilan ang pagtawa at seryosong hinarap ko siya.

"Paano na ngayon 'yan? Sunog na 'tong niluto ko." Nanghahaba ang nguso na sabi ko sa kanya.

"That's not a problem. We can eat outside. Gusto mo, manood pa tayo ng sine?"

"Bukas pa ba ang mall? Mag a-alas siete na."

"Oo naman. Open pa ang cinema hanggang midnight. So, let's go?"

"Uhm, magbibihis muna ako"

Pinasadahan ako ng tingin ni Wein. Abuhin na spagetti strap top at shorts lang ang suot ko at siguradong hindi niya gustong lumabas ako ng ganito.

"Alright. Five minutes?" aniya.

Tumango ako at saka lakad takbong pumasok sa kwarto namin ni Ken.

Habang nasa byahe kami ni Wein ay 'tsaka lang niya naalalang tanungin ang kapatid ko. Kaya naman pala ang lakas ng loob niyang landi-landiin ako kanina, kasi nakalimutan niyang may kapatid akong maaaring makakita sa kapilyuhan niya. Mabuti na lang din at wala sa condo si Ken dahil nakakahiyang masaksihan ng kapatid ko ang ginagawa ni Wein na hindi ko rin maawat.

Dahil sa traffic. Marami pa kaming napagkwentuhan ni Wein habang bumabyahe. Napakalayo na nga ng nararating ng usapan namin, unlike before na halos mapanisan kami ng laway namin dahil hindi kami nag-uusap.

Pagkatapos namin malampasan ang traffic.
Nakarating kami ni Wein sa rockwell at napadpad sa isang modern european restaurant. Ang Solstice Bistro & Boulangerie.

"Keight!"

Naghahanap kami ni Wein ng table nang marinig kong may tumawag sa akin. Hinanap namin ni Wein kung sino iyon at di kalayuan sa kinaroroonan namin ay natanaw namin si Feil na nakangiti at kumakaway sa amin.

Sumisenyas si Feil na lumapit kami sa kanya at dahil babae ako. Ako ang pinauna ni Wein na maglakad.

Paglapit namin ni Wein kay Feil ay agad siyang tumayo at hinila niya ang isang upuan sa left side niya.

"Dito ka Keight." Alok ni Feil sa akin.

Wala naman akong balak na tanggihan siya. Kaya lang ay umandar na naman ang pagka-possessive ng boyfriend ko. Imbes na ako ang uupo sa upuan na hinila ni Feil, si Wein ang pumwesto roon at bago siya naupo ay pinaghila niya ako ng upuan na itinabi niya sa kanya.

"Waiter!" Itinaas ni Feil ang isa niyang kamay nang tawagin niya ang isang lalaking waiter.

Agad na lumapit ito sa mesa at inabutan kami ng menu.

A Blessing in disguise (HBB #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon