Kabanata 19
Ako lang
"Okay ka lang, Keight?"
Nag-angat ako bigla ng tingin kay sir Feil nang marinig ko ang tanong niya.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na akong nakatulala lang kanina sa plato ko na halos wala pang kabawas-bawas ang laman.
"O-Oo naman." Utal kong sagot kay sir Feil at saka ko siya hilaw na nginitian.
"Are you sure? Wala pang bawas ang nasa plato mo at mukhang wala ka sa sarili."
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni sir na kahit papaano ay nakapagpagaan ng kalooban ko.
"N-Naalala ko lang si Ken, 'yong kapatid ko." Pagsisinungaling ko sa kanya.
Ang totoo kasi, kanina ko pa iniisip kung nasaan na si Wein at Bethilda ngayon. Kung kumakain din ba sila sa isang mamahaling restaurant tulad nitong pinuntahan namin ni sir Feil, o di naman kaya ay nasa byahe na sila papunta sa isang bar o baka sa isang hotel, motel at ang mas masakit pang isipin ay nasa condo silang dalawa.
Gusto ko lang naman si Wein pero bakit labis-labis na nagpoprotesta ng ganito ang damdamin ko? Para ngang gusto ko ng tumayo sa kinauupuan ko at umuwi sa condo para i-check kung tama ang isa sa mga hinala ko.
Bakit ba nagpi-feeling asawa ako? Pakiramdam ko pa nga ay pinagtataksilan ako ng asawa ko.
"Wala ka bang tiwala kay, Jhel?"
Nagbalik ang atensyon ko kay sir Feil dahil sa tanong niya.
"H-Hindi naman sa ganoon. Ganito lang talaga ako kapag hindi ko kasama ang kapatid ko, hinahanap-hanap ko agad siya."
"Don't worry, pagkatapos natin kumain ay ihahatid na kita, mag titake-out pa tayo para kay Jhel at Ken. Kaya kumain ka lang dyan."
Tumango ako sa sinabi ni Feil at sinimulan ng kainin ang laman ng plato ko.
Hindi ako nadisappoint sa japanese food na inorder ni sir Feil. Kahit papaano ay gumaan ang bigat na pakiramdam ko dahil sa sarap ng Tonkatsu at shabu-shabu, hindi na rin ako ignorante ngayon sa japanese food.
Tinotoo pa nga ni sir Feil ang sinabi niya na mag titake-out siya. Nag take out talaga siya ng pagkain para kay Jhel at Ken. Yakitori, Okonomiyaki at tempura ang pagkaing binili niya at ipinadala niya sa akin para sa kaibigan at kapatid ko.
"Did I get you bored?" Tanong ni sir Feil habang naglalakad kami ngayon dito sa parking papunta sa kotse niya na nakaparada pa roon sa dulo.
"Hindi naman."
"Talaga? Alam mo kasi kapag nakikipag date ako, hindi na nasusundan pa at kahit hindi sabihin sa akin ng mga nakakadate ko 'yon, ramdam ko na, na bored sila kaya ayaw na nila akong maka-date ulit."
"Hindi naman ako naboring. Nag-enjoy ako."
Siguro nga medyo nawala ang atensyon ko sa date namin ni sir Feil kanina, pero hindi dahil naboring ako 'non. Nagulo lang talaga ni Wein ang isip ko at okay na ako ngayon. Ayoko ng isipin pa ang taong palagay ko naman ay nag-eenjoy na kasama ang iba.
"Sana hindi ito ang una at huling date natin." ani sir Feil pagdating namin sa tapat ng sasakyan niya.
Tipid naman akong ngumiti sa kanya kasi hindi ko alam ang itutugon ko sa sinabi niya, sa pagkakarinig ko kasi ay hindi naman siya nagtatanong.
Bago ako pumasok sa loob ng kotse ni sir Feil ay siya na ang nagbukas ng pinto sa may passenger seat.
Gentleman talaga si sir Feil, kahit sa paglabas ko nga sa kotse niya ay mauuna muna siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto at alalayan ako sa pagbaba. Kapag kasama ko si sir, pakiramdam ko...isa akong prinsesa o isang napakaespesyal na tao at kagalang-galang na nilalang sa mundo.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
