Kabanata 21
Mali
Sa balkonahe ko ipinuhos ang sama ng loob ko kay Wein dahil sa hindi magandang biro niya kanina. Kahit na kapatid ko lang naman ang nakawitness ng nangyari ay hiyang-hiya pa rin ako.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko bago ako bumaba at nagtungo sa living room na para bang walang nangyari. Pero dahil nga sa ginawa ni Wein ay hindi ko na siya pinansin.
"We have to go." Sabay tayo ni Wein sa sofa.
Tumayo na rin kami ng kapatid ko. Natuon pa nga ang atensyon ng lahat, sa amin.
Ilang minuto matapos namin maghapunan ay muli kaming nagsama-sama rito sa sala para pag-usapan ang mga bagong plano sa kasal ni kuya Wade at ate Mika na magaganap na sa huling buwan ng taon na ito.
Hindi rin kami nakaligtas ni Wein sa mga tanong ni lola Eupemia at ng parents niya.
Para kaming nakaupo sa hot seat nang pagtatanungin nila kami kung ano na nga ba ang lagay ng relasyon naming dalawa.
Gusto kong magkwento sa kanila pero hinahanayaan ko na si Wein na ang sumagot sa kanila. Ayoko rin naman na may masabi ako na hindi niya magugustuhan.
"Brad, pumunta kayo rito sa final fitting, huh? I'll call you."
Tinanguan lang ni Wein si kuya Wade na na nakaakbay kay ate Mikaela habang magkatabi sila sa upuan.
Sobrang sweet nilang dalawa at hindi ko maiwasang mainggit. Clingy si kuya Wade at masiyahin, lagi siyang nakangiti at nagbibiro. Salungat kay Wein na tila pinaglihi sa sama ng loob.
"Ingat kayo sa byahe." Bilin naman ni tita Arabella.
"Don't worry, I'll take care of them." kasunod ng tipid na pag ngiti ni Wein.
Bago kami tuluyang umalis ay niyakap ako ni tita Arabella at lola Eupemia. Nakipag bro hug naman si Wein sa kanyang kuya. Yumakap din siya sa parents niya at kay lola Eupemia.
"Alagaan mo ang anak ko." bulong sa akin ni tita Arabella bago ako kumalas sa yakapan naming dalawa.
Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko. Tanging pagtango at hilaw na ngiti lang ang naging tugon ko sa kay tita.
"Busita kayo sa bahay, huh. Maboboring na naman ako roon." malungkot na sabi naman ni lola Eupemia na yakap ni Ken sa baywang.
"O, wala na ba kayong nakalimutan? Iyong mga laruan ni Ken nasa kotse na ba?" Paalala naman ni tito Rocco.
"Nasa kotse na po, dad." ani Wein.
Alas-nuebe na ng gabi kami nakauwi sa condo. Medyo traffic kasi at dahil doon ay nakatulog sa byahe si Ken na pinasan naman ni Wein sa likod niya.
Dahan-dahan na inilapag ni Wein sa kama ang kapatid ko. Kinumutan ko naman ito at saka kami sabay na lumabas ni Wein sa kwarto.
"May plano na ako."
Napahinto ako sa paglalakad papunta sa kusina nang marinig ko ang sinabi ni Wein. Magtitimpla sana ako ng kape, pero mas nangibabaw ang kuryosidad ko sa plano ni Wein.
Hinarap ko siya. "Ano?"
Humalukipkip siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Umatras naman ako sa kanya.
"O, bakit lumalayo ka sa'kin?" Natatawa niyang tanong.
Inirapan ko siya at napahalukipkip na rin ako. "Ano ba ang plano mo?"
"Well, I decided to extend my stay here. Ang sarap kayang gumising sa umaga na may nakahanda ng almusal sa mesa, may taga timpla ako ng kape at kapag maaga akong umuuwi...may maaabutan akong masarap na hapunan." Nakangisi niyang sabi. Ipinamulsa niya pa ang mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
