Kabanata 10
Ito na ang simula
Pigil ko ang ngiti ko pagpasok ko sa office ni Wein. Hindi man lang nga siya nag-angat ng tingin pagpasok ko, nanatili lang siyang tutok sa kanyang laptop.
Pagkaupo ko sa pwesto ko ay itinukod ko ang mga braso ko sa mesa at saka nangalumbaba. Hindi ko na napigilan ang mapangiti nang muling sumagi sa isip ko ang mukha ni Mr. Axel Hernandez, lalo na ang mga sandaling nginitian niya ako. Ang ganda ng mga ngipin niya, mapuputi at pantay-pantay 'yon at 'yong way niya ng pag-approach sa akin, punong-puno iyon ng kabaitang natural.
"Ms. Barcelo, did you hear me? I'm talking to you."
Nagbalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses ni Wein na tila nagagalit na naman sa akin.
"Huh? Ano po?" Wala akong kamalay-malay na may sinasabi na pala siya.
Sinamaan niya tuloy ako ng tingin. "Ang sabi ko, naibigay mo ba ang ipinabibigay ko?"
"O-Opo."
"Anong sabi ni Mr. Axel?"
"Ibinigay ko lang naman po sa kanya 'yong folder na ipinabibigay niyo, tapos nagtanong siya kung kailan ang due 'non. Sinabi ko na two to three days. Kinuha niya po 'yong folder tapos sabi niya okay na raw po. Sir, pwede po magtanong?"
Curious kasi ako kung magkaano-ano sila ni Mr. Axel dahil pareho sila ng apelyido.
Ibinalik ni Wein ang tingin niya sa screen ng kanyang laptop. "Go on." aniya.
"Magkamag-anak po ba kayo ni Mr. Axel?"
Nakita ko ang pagtaas ng isa niyang kilay pero nanatili siyang nakatingin sa screen ng laptop niya. "Bakit mo tinatanong?"
"Curious lang po. Kasi...magkaapelyido kayo."
Nag-angat ng tingin si Wein at nagtataka niya akong tinignan.
"Why are you so curious? He's my cousin. So, what's your plan?"
"Plan? W-Wala akong plano. I'm just curious."
Bumalik ang tingin niya sa screen ng laptop niya. "Kung may plano ka. Malalaman ko rin naman 'yan." sabi niya pa habang nagtitipa.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya na puno na naman ng paghihinala.
"Siya nga po pala, sir. May ginawa po akong tanghalian, para sa atin nila Bethilda."
"Kasama kong mag la-lunch mamaya ang parents ko kaya hindi ako kakain dito." Malamig na sabi ni Wein.
"Sir, kahit tikman niyo lang po. Kasi...para po talaga sa inyo 'yon."
Huminto sa pagtipa sa laptop niya si Wein at muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. Masama na naman ang tingin niya.
"Para sa akin? Bakit? Gusto mong kuhanin ang loob ko? Idadaan mo ko sa pagkain?" Tumaas ang sulok ng labi niya. "I told you. Hindi mo na ako maiisahan. Baka mamaya, nilagyan mo pa ng lason 'yang ipapakain mo sa'kin."
Sabi ko na nga ba, huhusgahan na naman niya ako.
"Wala naman po akong balak na ganoon."
"Oh, please! I'm sick of your acting. Kahit lumuhod ka pa sa harap ko, sumuka o lumuha ng dugo..." Huminto siya sa pagsasalita at nagtaas ng tingin sa akin. "Hindi ako maniniwala sa'yo."
Namumuro na talaga sa akin ang isang 'to.
"Oo. Gusto kong kuhanin ang loob mo." Hindi na ako nakatiis pa. Hindi ko na kayang manahimik na lang at tapakan niya.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
