Kabanata 3
Make me a coffee
"Ah...ano kasi...Sabi kasi ni lola Eupemia, pwede na akong magsimulang maglinis dito." Nauutal kong sagot kay Wein nang maabutan niya akong sinisinghot ang kanyang unan.
Hindi ako halos makatingin sa kanya dahil sa kahihiyan.
"Kamusta ang amoy ng unan ko?"
Mabango. "Ahh...o-okay lang naman." Hilaw akong ngumiti sa kanya.
"Alright. Get out."
"Huh?" Nanlaki ang mga mata ko. "H-Hindi pa ako tapos ayusin ang gam--"
"Ayoko ng pinakikialaman ang mga gamit ko, kaya umalis. Ka na." Mariin niyang pagpapalayas sa akin.
"P-Pero."
"I said, get out!"
Halos mapatalon ako sa takot ng bulyawan niya ako. Mabilis kong binitawan ang unan niya at patakbo akong lumabas sa kanyang kwarto at saka ako nagmamadaling bumaba ng hagdan.
"O, Keight. Nakita mo ba si Wein? Kararating niya lang kasi niya." ani Lola Eupemia pagbaba ko ng hagdan.
"O-Opo. Nasa kwarto niya po siya. Pinalabas niya nga po ako."
"Grandma!"
Sabay kaming napalingon ni lola Eupemia sa may hagdan ng marinig namin ang boses ni Wein. Mabigat ang mga paa niya habang bumababa siya. Dinig na dinig ang kanyang mga yapak.
"Grandma, ayoko ng pinakikialaman ng babaeng 'yan ang mga gamit ko." Bulalas ni Wein kahit na hindi pa siya nakakababa.
"But she's your personal maid."
"I told you that I don't need personal maid. Ayoko ng pinakikialaman ang mga gamit ko. Baka mamaya malikot ang kamay ng isang 'yan."
"Wein!" Saway sa kanya ni lola Eupemia.
Pinanlakihan ko naman ng mga mata ko si Wein dahil sa sinabi niya at naikuyom ko ang aking mga kamao para pigilan ang namumuong galit ko sa lalaking 'to.
"Excuse me, Mr. Hernandez pero hindi ako katulad ng iniisip mo." Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"I'm sorry, hija. Wein, apo. Say sorry to her. She's a nice person, don't you remember that this girl save my life. How could you say that to her?"
"Hindi porket iniligtas ng babaeng 'yan ang buhay niyo ay magtitiwala na kayo agad sa kanya. We don't even know alot about her."
"Wein, hindi na talaga ako natutuwa sa pambabastos mo kay Keight." Mariin na sabi pa ng matanda sa kanyang apo.
Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Wein, kasabay ng pagrolyo niya ng kanyang mga mata at pagtalikod niya sa amin ng lola niya. Naglakad na rin siya papalabas ng bahay.
"Weinard Vonnier Hernandez, we're not yet done here!""
"I need to cool down, grandma. Let's talk later."
Hindi na napigilan pa ng matanda si Wein na lumabas ng bahay nila.
"Ang batang 'yon talaga," humarap sa akin si lola Eupemia na puno ng pagsusumamo ang mukha. "Keight, ako na ang humihingi ng paumanhin sa inasal ng apo ko. Siguro pagod lang 'yon sa trabaho, kaya mainit ang ulo."
Palabas pa lang ako ng ospital ay ramdam ko ng hindi ako gusto ni Wein. Galit siya sa akin dahil feeling niya may ginawa akong kung anong kababalaghan sa lola niya dahil sa kabaitan nito sa akin.
Ewan ko ba kung nagseselos lang siya dahil napupunta sa akin ang atensyon ng lola niya o sadyang hindi niya lang talaga gusto ang isang tulad ko na nakatira sa squater area, isang hamak na mahirap.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
Ficción GeneralAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
