Kabanata 36

11.5K 240 61
                                        

Kabanata 36
Pwede ba?

Mabilis na nagdaan ang mga araw at lumipas ang dalawang buwan.

Noong nakaraang linggo ay napag-usapan namin ni Wein na ipapaalam na niya sa mga kaibigan niya ang tunay na estado naming dalawa.

Ang alam kasi ng mga kaibigan ni Wein ay fiancé niya ako at napipilitan lang siyang magpakasal sa akin. Sinabi rin ni Wein sa akin na hanggang ngayon ay ang alam ng mga kaibigan niya, girlfriend niya pa rin si Bethilda at broken hearted siya dahil break na sila, ilang beses na kasing tumatanggi si Wein sa mga nightout nila ng mga kaibigan niya. Ang akala nila ay nagpapakalunod siya sa pagtatrabaho kasi nga heart broken siya. But the truth is, madalas kaming lumabas na dalawa at kay lola Eupemia madalas maiwan si Kent.

Speaking of lola Eupemia. Kinausap na namin siya tungkol sa magiging kasal namin. Sinabi namin sa kanya na mahal namin ni Wein ang isa't-isa, pero hindi pa kami handang magpakasal.

Tinanggap naman ni lola Eupemia ang desisyon namin, pero umaasa siya na bago raw matapos ang taon ngayon ay maisipan na naming magpakasal.

Mahal namin ni Wein ang isat-isa. Kahit na araw-araw na kaming magkasama, para bang sabik na sabik kami sa isat-isa. Ganoon pala ang pakiramdam ng nagmamahal. Mawala lang ng ilang minuto 'yong taong mahal mo, hahanap-hanapin mo na agad.

Palagay ko, nandoon kami ni Wein sa stage na sobrang in love kami sa isat-isa, kasi parang wala na kaming ibang nakikita kapag magkasama kami. Minsan, tignan lang namin ni Wein ang isat-isa, nagkakaintindihan na kami.

"Hi, Keight!" Bati ni Axel sa akin nang masalubong ko siya rito sa hallway, papunta sa department nila.

"Ang akala ko, hindi ka na magtitinda nyan dito." Inginuso niya ang basket na hawak ko.

Ito ang unang beses na magbebenta ako ulit ng makakain at hindi alam ni Wein 'to. Gusto ko rin kasi siyang surpresahin. Dadalhan ko siya ng lunch niya.

"Malakas kasi ang kita ko rito. Sayang naman, extra income din. At saka, nakakaburyo naman kasi sa bahay."

"Akin na nga 'to."

Kinuha ni Axel ang basket na hawak ko at hindi ako nakaalma sa ginawa niya, sanay na kasi ako na ginagawa niya 'yon.

"Bakit hindi mo hilingin kay Wein na ikaw na lang ang maging secretary niya, tutal malapit ng umalis si Bethilda."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Axel. Wala kasi akong alam na aalis na si Bethilda.

"Aalis na siya? Bakit daw? K-Kailan?"

"Hindi mo alam? Tinanggal na siya ni Wein sa trabaho, mismo ng araw na binuhusan o nabuhusan ka niya ng iniinum niya noong christmas party. Ilang beses lang talagang nagmamakaawa sa kanya si Bethilda na wag siyang tanggalin sa trabaho hanggat walang nakukuhang bagong secretary si Wein."

"Wala siyang sinabi sa akin na pinaaalis na pala niya si Bethilda. Okay naman magtrabaho si Bethilda. I don't think she deserves to be fired dahil lang sa ginawa niya sa akin."

Nagkibit balikat si Axel. "But that's Wein's decision at hindi na mababago 'yon. Isa pa, mukha namang sinadya ni Bethilda ang ginawa niya sa'yo."

"Nadala lang naman siya ng emosyon niya kasi mag---"

"Yan. Siguradong 'yan ang dahilan kaya hindi sinasabi sa'yo ni Wein na tinanggal niya si Bethilda, kasi baka pigilan mo lang siya. Just leave it to him, Keight. Kung ako rin naman si Wein, ganoon din ang gagawin ko."

I feel bad for Bethilda. Pakiramdam ko ay hindi talaga tama na paaalisin siya ni Wein sa trabaho dahil lang sa pagtapon niya sa akin ng iniinom niya noong party. Kung nagpakita man siya ng hindi magandang attitude, labas 'yon sa trabaho niya kasi alam ko, personal na galit ang meron siya sa akin. It's between me and her.

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon