Kabanata 43
HBB
Pagkatapos ipark ni Wein ang kotse niya ay sinenyasan niya akong wag muna bumaba. Sumunod naman ako sa kanya.
Bumaba si Wein sa kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto at saka nakangiting inilahad niya ang palad niya sa harap ko.
Napangiti ako at inabot iyon.
"Hindi ka naman ganito ka-gentleman noon. Ang laki na talaga ng pinagbago mo." Sabi ko kay Wein.
Inangkla niya ang kamay ko sa kanyang braso. "Sa mga babaeng mahahalaga lang naman sa akin ako ganito. Hindi ko pa nararamdaman ang halaga mo noon kaya hindi ko ipinapakita sa'yo 'to."
Nagsimula na kaming maglakad ni Wein papunta sa Valkyrie Club kung saan naroon ang mga kaibigan niya.
"Ang ibig mong sabihin, may limitation ang pagkamaginoo mo? Kasi sa piling tao ka lang ganoon?"
"Parang ganoon na nga. Pero pagsa'yo. I can be both."
Nagtatanong kong tinignan si Wein at nang makita kong nakangisi siya ay sinamaan ko siya ng tingin. May kalokohan na namang tumatakbo sa isip ng lalaking 'to.
"Ano na naman 'yan?!" Hinampas ko siya sa braso niya.
"Aray! Cariño brutal ka talaga." Tatawa-tawa niyang sabi. "But it's still up to you, whether you want it to be gentle or hard."
Sinapok ko na siya. Tinuloy pa kasi.
"Weinard?"
Tumigil kami sa paglalakad nang may tumawag kay Wein.
"Alexa? Havana?" Kunot noong pagtawag naman ni Wein sa mga ito. Mukha ngang di siya sigurado sa binanggit niyang pangalan.
Dalawang babae ang naglakad palapit sa amin. Mga mukhang mayayaman ang mga ito dahil sa mapuputing kutis at saka kumikinang ang mga suot nilang alahas. Para rin silang mga modelo dahil sa height nila, halos kasing tangkad na nga nila si Wein. Blonde ang buhok ng isang babae at ang isa naman kulay ube ang buhok.
"Yeah. Mabuti na lang kilala mo pa kami." nakangiting sabi ng babaeng blonde ang buhok. Pinasadahan niya pa nga ng tingin si Wein, mula ulo hanggang paa.
"You haven't changed. You still look so gorgeous." Sabi naman ng babaeng may kulay ubeng buhok. Kinagat niya pa nga ang kanyang labi at ipinungay ang kanyang mga mata na may false eyelashes.
"Mas lalo pa ngang gumwapo." dagdag naman ng ng babaeng blonde ang buhok. "By the way, how's the gang?"
"Actually, pupuntahan na nga namin sila. Nasa loob sila ng Valkyrie."
"Really? Sa Valkyrie rin kami. Tara, sabay-sabay na tayo."
Napakunot noo ako nang biglang hawakan ng babaeng ube ang braso ni Wein.
Naramdaman kong nagulat din si Wein sa ginawa nito. Agad niya pa ngang inalis ang kamay nito sa braso niya.
"I haven't introduce my girlfriend yet." Inilipat ako ni Wein sa kabilang side niya kung saan naroon ang dalawang babaeng mukhang may gusto sa kanya.
Halatang-halata na inaakit nila si Wein. Nakakainis!
Ang lakas ng loob nilang landiin ang boyfriend ko sa harap ko?
"Keight, this is Alexa Monte carlo," Itunuro ni Wein sa akin ang babaeng mukhang ube, ay! kulay ube pala ang buhok.
"Nice to meet you." Bati niya sa akin. Pangiti-ngiti pa ang bruha, fake naman.
Hilaw ko rin siyang nginitian para quits.
"And this is Havana Delos Reyes." Pakilala naman ni Wein sa babaeng blonde.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
