Kabanata 1

15.6K 335 52
                                        

Kabanata 1
The Saviour

Isang taon na ang nakalipas ng manganib ang buhay ng kapatid kong si Ken. Simula 'non ay mas naging protective ako sa kanya. Siya na lang kasi ang natitira kong mahal sa buhay, siya ang lakas ko at ang aking inspirasyon. Hindi ko kakayanin kung may mangyari na naman sa kanyang hindi maganda. Mahal na mahal ko ang kapatid ko at hanggat kaya ko, handa akong ibigay sa kanya.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko siyang ganadong kumakain ng fried chicken dito sa fast food restaurant na madalas niyang inuungot sa akin. Isang order lang ang afford ng pera ko kaya siya lang ang binilhan ko ng makakain, ayos lang kasi makita ko lang siyang busog, busog na rin ako.

Nagtaka ako nang biglang tumigil sa pagkain ang kapatid ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin at inilapag niya sa lalagyan ang kinakain niyang pritong manok.

"O, bakit ka tumigil? Ubusin mo 'yan, huh?"

"Ate, sa'yo na lang 'to."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Napalunok pa nga ako. Gusto ko rin naman talagang kumain ng kinakain niya, pero syempre, uunahin ko siya. Di bale na ang magutom ako, wag lang ang kapatid ko.

"Ubusin mo na 'yan. Diba, sabi ko sa'yo. Dapat healthy ka para hindi ka dapuan ng sakit at hindi ka na ma-ospital ulit. Diba, ayaw mo ng injection?"

Ngumuso siya at tumango.

"O, kaya kumain ka ng kumain. Wag mong intindihin si ate. Malakas ako."

Nakumbinse ko naman ang kapatid ko at muling ipinagpatuloy ang pagkain niya.

Pinagkakasya ko ang kinikita ko sa bakery na pinasukan ko, sa pang araw-araw namin ni Ken. Mabuti nga ngayon at mas malaki ang kinikita ko, kumpara noon na pagtitinda lang ng sampaguita ang ikinabubuhay ko kaya lagi kaming gutom ni Ken, matutulog ng walang laman ang tiyan, parating kumakalam ang sikmura. Pero ngayon, gagawin ko ang lahat wag lang magutom ang kapatid ko.

Paglabas namin ng restaurant ay may ilan kaming nadaanang sidewalk vendor na nagtitinda ng laruan. Natawag 'non ang pansin ng kapatid ko at itinuturo sa akin ang isang maliit na baril-barilan.

"Ate, sige na bili mo'ko n'yan para makasali na ako sa laro nila Bochok." Pamimilit ni Ken sa akin. Hinihila niya pa nga ang laylayan ng t-shirt ko.

"Manang, magkano po etong baril-barilan?"

"Bente-singko pesos, neng."

"Hindi po ba pwedeng, bente na lang?"

"Ay hindi na, neng. Thirty five nga 'yan sa iba. Bagsak presyo na 'yan."

Mukhang hindi na madadaan sa tawaran ang tindera kaya Dinukot ko na ang wallet ko sa bulsa ng pantalon ko para kumuha ng pera.

Saglit akong napatigil sa pagdukot ng pera nang makita ko ang wallet size picture ng lalaking ninakawan ko noon. Kuha yata sa isang studio ang picture, hanggang dibdib niya ang kita, formal attire ang suot niya at seryoso ang expression ng kanyang mukha. Ang sungit niyang tignan dito, pero ang gwapo-gwapo niya. Sagad na sagad sa kagwapuhan, para sa akin ay siya ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa buong buhay ko.

Actually, wallet niya nga itong gamit ko. Pera lang ang naman kasi niya ang kinuha ko rito and the rest, nandirito pa rin, pati nga ang nakaipit na condom dito.

Bigla ay nakaramdam na naman ako ng  kunsensya dahil sa ginawa kong pagnanakaw sa kanya. Siguro ay sinusumpa na ako ng poging 'to.

Hindi ko pinagsisisihan na ninakawan ko siya dahil malaki talaga ang naitulong sa amin ni Ken ng pera niya at ng ginto niyang relo, kaya lang ay hindi ko talaga maiwasang makunsensya sa ginawa ko kasi tinake advantage ko ang kalasingan niya 'non.

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon