Kabanata 34

12.3K 296 111
                                        

Kabanata 34
Merry, Christmas

[SPG ALERT] ❗

Nalalasahan ko ang pait ng alak na ininom ni Wein habang magkalapat ang mga labi namin. Pikit ang kanyang mga mata habang ako ay dilat na dilat naman dahil hindi ko inaasahan ang gagawin niya.

Sobra akong nabigla sa panghahalik ni Wein at hindi ko alam ang gagawin ko, ni hindi ko nga magawang gumalaw kahit na gustong-gusto kong itulak siya.

Nararamdaman ko na ang hirap ng posisyon ko. Nakaliyad kasi ako habang nakakandong kay Wein. Salo ng isang kamay niya ang likod ng aking ulo at ang isa naman niyang kamay ay salo ang likod ko. Ikinawit ko naman ang mga kamay ko sa batok niya. Ang akala ko kasi talaga kanina ay ibabagsak niya ako sa sahig.

Paulit-ulit kong tinapik si Wein sa kanyang balikat, para itigil ang kalabisang ginagawa niya.

Kalabisan na talaga 'to, kasi kahapon niya pa ako ninanakawan ng halik. Namimihasa ang loko kasi tinutugon ko ang halik niya.

Sino ba naman kasi ang hindi gaganti sa kanya kung ang sarap-sarap niyang humalik.

Ilang beses kong tinapik si Wein bago niya iyon naramdaman o baka nararamdaman naman na talaga niya kanina pa, pero nagpapakamanhid siya.

Dumilat ang mga mata ni Wein at saka pinakawalan ang aking mga labi, pero malalim at masuyo niya akong tinignan at saka dahan-dahan niya akong inupo sa tabi niya.

Napapalunok ako sa mga ipinupukol na tingin ni Wein sa akin. Para kasi iyong tumatagos hanggang sa kaluluwa ko. Tila may kung ano pang ipinahihiwatig ang mga malalalim niyang matang may hatid na apoy sa pakiramdam ko.

Akmang tatayo na ako sa kinauupuan ko nang hawakan ni Wein ang magkabila kong braso, pinigilan niya ako at saka muli ay sinakop niya ang labi ko.

Mas mariin ang halik niya ngayon at mas ramdam ko ang pangangailangan niya 'non. Lalo akong nanghina, inuubos ng halik ni Wein ang lakas ko.

Kasabay ng paggalaw ng mga labi ni Wein sa akin ay tila tinangay na rin ang katinuan ko at malugod na tinugon ko ang nagsusumamo niyang mga labi. Nararamdaman ko pa ang mga kamay ni Wein na masuyong hinahaplos ang braso ko, pinipisil niya pa nga ito.

Hanggang sa maramdaman ko ang pagbaba ng kanyang kamay sa hita ko, pati halik niya ay gumapang din pababa sa leeg ko.

Napatingala ako at pikit mata ko siyang hinayaan na paliguan ng halik ang leeg ko, habang isinusuklay ko ang mga daliri ko sa kanyang malambot na buhok.

Ang init-init ng pakiramdam ko at ang bigat ng bawat paghinga ko dahil sa kakaibang sarap na ipinaparamdam sa akin ni Wein ngayon.

Sarap na nilalamon ang buong sistema ko. May bahagi ng pag-iisip ko ang hindi sang-ayon dito pero mas umaapaw ang kagustuhan ko.

"W-Wein, s-saan mo 'ko dadalhin?" Alma ko nang ilagay niya ang magkabila kong hita sa kanyang tagiliran at saka siya tumayo sa kinauupuan namin habang buhat ako.

Ngimisi siya. "On the bed." kaswal na sagot niya sa akin.

Napalunok ako at biglang kinabahan sa narinig ko pero naging tikom lang ako habang hinahalik-halikan ni Wein ang braso at balikat ko.

Paglapit namin sa kama ay marahan niya akong hiniga rito.

Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Wein na saglit akong pinakatitigan, pagkatapos ay mabilis niya akong hinalikan at saka siya tumakbo sa pinto at nilock iyon.

Alam ko na kung anong binabalak ni Wein, pero nanatili lang akong nakahiga rito sa kama at hinintay siyang muling bumalik.

Mababakas sa kilos ni Wein na nasasabik siya. Kitang-kita ko kasi ang pagmamadali niya na makabalik dito.

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon