Kabanata 29

10.8K 257 59
                                    

Kabanata 29
Dance

Hindi na ako bumalik sa conference hall. Sa halip ay nagtungo ako sa lobby. Napatingin pa nga sa akin ang dalawang babaeng receptionist na naroon sa front desk, pati si manong guard. Pero hindi ko pinansin ang mga nagtatakang tingin nila sa akin.

Naupo ako sa apple green na single sofa na nakadikit sa puting pader. Isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng sofa at isinandal ko naman sa pader ang ulo ko.

Maghihintay na lang ako rito hanggang sa matapos ang christmas party. Ayoko na talagang bumalik sa conference hall. Hiyang-hiya talaga ako sa mga taong naroon, lalo na sa mga aktual na nakakita ng pagbuhos ni Bethilda sa akin kanina. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.

Tahimik lang ako habang nakatingala at nakatingin sa kisame, niyakap ko pa nga ang sarili dahil giniginaw na ako. Masyadong malamig dito sa lobby, kumpara sa conference hall. Siguro kasi dahil na rin sa maraming tao roon kaya hindi na gaanong ramdam ang lamig.

Habang naghihintay ako rito ay unti-unti ko ng nakakaramdam ang antok. Ilang ulit na nga akong napahikab at naluluha na rin ang mga mata ko.

Akmang ipipikit ko na ang aking mga mata ng marinig ko na may biglang tumawag sa akin.

Nagbaba ako ng tingin at nakita ko si Axel na kalalabas lang ng elevator na nasa tapat ng kinaroroonan ko, pero malayo rito.

Umalis ako sa pagkakasandal sa kinauupuan ko, nag-ayos ako ng aking upo at nagtatakang hinintay ko na makalapit sa akin si Axel.

"Ano bang ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa bumalik sa taas?" Bungad na tanong sa akin ni Axel paglapit niya.

Namaywang siya at saka pabagsak na naupo sa single sofa na katabi ng inuupuan ko.

"Ayoko na sanang bumalik pa roon. Hihintayin ko na lang na matapos."

Nilingon ako ni Axel habang nakataas ang isa niyang kilay. "And why? Mamaya pa matatapos ang party. Maiinip ka lang dito. Come 'on, bumalik na tayo. Nag-aalala na sa'yo sina lola Eupemia."

"Ayoko ng bumalik doon. Nahihiya ako."

"Why not?"

Napatingin siya sa suot ko. "Maganda ka pa rin naman, huh? Akalain mo nga naman, napaka-boyscout ni Wein at may natatabi siyang ganyan kagandang dress."

Muling kumunot ang aking noon. "Alam mong si Wein ang nagbigay nito?"

"Ofcourse, hinila ka niya kanina eh. Naisip ko na concerned siya sa'yo and probably, he'll take care of you. At mukha namang hindi ako nagkamali."

Matama kong tinignan si Axel. Ito na siguro ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang totoo. Mabait siyang tao at mapagkakatiwalaan. Isa siyang mabuting kaibigan. At bilang kaibigan, ayoko ng maglihim pa sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat.

"Axel, may gusto sana akong sabihin sa'yo."

"Hindi ka naman mag co-confess sa akin na crush mo ko, diba?" Biro niya na nagpatawa sa akin.

"Hindi, ah."

"Pero huhulaan ko."

Nawala ang mapaglarong ngiti sa labi niya at naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Is that about you and Wein?"

Dahan-dahan akong tumango.

"You and him are set to get married."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "P-Paano mong,"

"Susundan ko sana kayo ni Wein kanina. Pero pinigilan ako ni lola. Ang sabi niya, si Wein na raw ang bahala sa'yo. Hindi ka raw niya pababayaan. Hayaan ko na lang daw kayo para matuto kayong alagaan ang isat-isa kapag dumating 'yong panahon na mag-asawa na kayo." Huminto siya sa pagsasalita at mapaklang tumawa. "Nagulat ako kanina sa sinabi ni lola at palagay ko, nabigla lang din siya sa nasabi niya dahil na rin sa galit niya kanina sa ginawa ni Bethilda sa'yo. Nag-walk out nga si Bethilda kanina kasi sinabi na rin ni lola na fiancé ka raw ni Wein."

A Blessing in disguise (HBB #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon