Kabanata 4

10.2K 249 26
                                        

Kabanata 4
Magnanakaw

"Magsusundo pa ako sa kapatid ko. Hindi kita masasamahan." Pagtanggi ko kay Wein.

"Okay, ako na lang ang sasama sa'yo."

"Huh? W-Wag na po. Baka mainip pa kayo."

"I don't care, let's go."

Namulsa siya at nauna ng maglakad sa akin. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa kinatatayuan ko at hindi alam ang gagawin.

Ano ba ang trip ng isang 'yon at gusto pa akong samahan na magsundo sa kapatid ko?

Habang bumabyahe kami papunta sa school ng kapatid kong si ni Ken. Hindi kami nag-iimikan ni Wein. Pareho kaming nakaupo rito sa backseat, pero may malaking space sa pagitan namin.

Nang tignan ko si Wein ay nakapangalumbaba siya habang nakatuon ang kanyang tingin sa labas ng bintana.

Ang gandang lalaki niya talaga. Ang mukha niya ay may perpektong proportion. Ang panga niya ay matalim na para bang kapag hinawakan mo ay masusugatan ka. Bahagya namang nakaawang ang kanyang mga mapupulang labi. Ang tangos ng ilong niya, kapansin-pansin din ang malalim niyang mga mata at mahahabang pilik 'non.

Bakit ba kasi ang sungit mo? Kung mabait ka lang siguro ay baka mainlove ako sa'yo.

Pagdating namin sa tapat ng maliit na eskwelahan ni Ken ay may marami ng magulang ang naghihintay doon.

"Dyan lang po kayo. Tignan ko lang kung nakalabas na ang kapatid ko." Paalam ko kay Wein bago ako lumabas ng sinasakyan namin.

Pagdating ko sa classroom nila Ken ay nakita ko siyang nakikipaglaro sa mga kaklase niyang wala pang sundo, habang ang teacher naman niya ay nakikipagkwentuhan sa kapwa nito guro.

"Ken!" Pagtawag ko sa kapatid ko habang kumakaway ako sa kanya.

Malapad itong napangiti ng makita ako at saka siya lumapit sa teacher niya at nagpaalam na may sundo na siya.

"Ate, may star ako, o! Apat." Pagmamalaki ng kapatid ko habang ipinapakita niya sa akin ang pulang marka sa braso niya.

"Baka naman pinaglaruan mo lang ang pantatak ng teacher niyo?"

Ngumuso siya. "Hindi po. Dalawang beses ako nakasagot kay teacher, tapos may ginawa kaming dalawang activity, color-color."

"Good."

"Ken!"

Napatigil kami sa paglalakad ng kapatid ko nang tawagin siya ng kaeskwela niyang humahagos sa pagtakbo, palapit sa amin.

"Laro tayo habulan." Hinihingal nitong pang-aaya kay Ken.

"Ay nako, hindi na siya pwede kasi uuwi na kami." Pagbabawal ko naman sa kapitid ko.

"Ate, sige na po. Saglit lang. Fifteen minutes lang." Aba at may nalalaman na 'tong five minutes ngayon.

"Ken! Hinahantay tayo ng amo ko, sasakay tayo sa kotse. Tara na." Panghihikayat ko sa kanya.

"Ate, please! Saglit lang kami maglalaro. Ako po ang magpapaalam sa amo mo."

"Ken, wag ng makulit."

"E, ate naman! Minsan lang naman ako maglaro, lagi nga po akong umuuwi agad, diba?"

"Pagbigyan niyo na po siya ateng maganda. Saglit lang po kami." Pakiusap naman sa akin ng batang nag-aaya kay Ken.

Kabata-bata pa ay magaling ng mang-uto.

"Hindi pwede. Wag ng matigas ang ulo, Ken. Wag mong galitin si ate---"

A Blessing in disguise (HBB #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon