Kabanata 44
Handa na
"Cheers!" ani Wein.
Itinaas ko ang basong hawak ko na may lamang cocktail drink at nakipag-cheers sa mga lalaking kasama ko ngayon.
"Last na 'yan, huh? You won't get drink anymore." pabulong na sabi sa akin ni Wein.
Napanguso naman ako. "Bakit?"
Umangat ang isang sulok ng kanyang labi at kinurot niya ang isa kong pisngi. "Kasi uuwi na tayo."
Napataas ang isa kong kilay at naalala ang mga banta niya sa akin kanina sa dancefloor. Pagdating sa ganoong bagay ay sineseryoso pala talaga ni Wein. Ang akala ko ay biro lang 'yon.
"Excited ka?" tanong ko sa kanya.
Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "So much."
Nirolyohan ko siya ng mga mata ko. Sabik na sabik na naman ang isang 'to. Is he like this with his exes?
How come na wala siyang nabuntis kung pagdating sa sex ay mabilis pa sa alas-quatro 'tong si Wein?
"Guys, maya-maya pala uuwi na kami ni Keight." anunsyo ni Wein.
"Huh?" Sabay-sabay na tugon naman ng lahat.
"Ang bilis naman. Late ka na nga dumating, maaga ka pa uuwi. Lakas mo, huh." ani Elf.
Tahimik lang talaga siya kanina pero siguro nag wa-warm-up lang, kasi ngayon medyo tumataas na ang kanyang spirit at nakikisali na sa kwentuhan nila Wein.
"Akala ko ba whole night tayo rito?" Tinignan ni Neil ang relo niyang pambisig. "Alas-onse pa lang, dude."
"Quarter to twelve pa naman kami uuwi."
"No. Sabay-sabay tayong uuwi." maawtoridad na sabi ni Aries.
"But I'm with, Keight."
"P-Pwede naman na mauna na ako, Wein."
Nakakahiya naman sa mga kaibigan ni Wein kung dahil sa akin ay uuwi agad siya ng maaga.
"No. No. No. Do you think I'm gonna let you go home alone? Uuwi na ako. Uuwi na kami." Pagmamatigas ni Wein.
"One hour. Just one hour, dude. Come on, minsan na nga lang tayo mag bonding, eh." Pamimilit naman ni Daren.
Tinignan ako ni Wein na para bang gusto niyang ako ang sumagot.
"Ah, eh...s-sige na, Wein. Pagbigyan mo na sila."
Kumunot ang noo ni Wein at bumagsak ang kanyang mga balikat, kasabay ng pagbubunyi ni Daren na nakipag high-five kay Harizel at Aries, pinaggigitnaan kasi siya ng dalawa ngayon.
"O, ayan huh, pumayag si Keight, Wein." Nakangiting sabi naman ni Neil na pasimpleng kumindat sa akin.
Nagpatuloy ang lahat sa kanilang kwentuhan, pero katulad ng sinabi ni Wein kanina. Pagkaubos ko ng cocktail drink na iniinom ko ay hindi na siya nag order pa ng kahit anong inumin para sa akin. Hinayaan niya na lang ako na kumain ng pulutan nila. Ang sarap ng Valkyrie Sliders na appetizer nila at baked oyster naman ang kanilang main course.
"Ang weak mo naman, Wein. Sa'yo na 'yang dalawang baso ng tequila." ani Neil.
"Dude, apat na baso na ang naiinom ko." Reklamo ni Wein.
"Dalawa pa lang ang naiinom mo. Lasing ka na yata at nagiging apat na sa paningin mo ang dalawa." tatawa-tawang sabi ni Elf.
"Apat na talaga ang naiinom ko, gago!"
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
