Kabanata 16
You're Beautiful
Pag-alis ni Wein at Ken ay agad naman akong nag-ayos ng sarili ko at nagtungo sa palengke para mamili ng mga rekadong gagamitin ko sa mga lulutuin at ilalako kong ulam sa pananghalian.
Natagalan ako sa pamimili sa palengke kasi ang hirap makipagtawaran sa mga tindera. Mabuti na lang at bago magtanghalian ay nailuto ko na lahat ng ilalako ko, nai-plastic ko na rin ang mga iyon at nailagay sa basket.
Pagbaba ko sa building ay naisipan ko na alukin ng tinda ko ang mga empleyado rito. Kaunting sales talk lang sa kanila ay napabili agad ang dalawang security guard at dalawang empleyado na nasa front desk. Kaya naman ang saya-saya ko nang lumabas ako ng building kasi kumita agad ako.
Dahil puro building at mga restaurant ang nandirito malapit sa condo ni Wein. Sumakay ako ng jeep papunta sa informal settler na tinitirahan namin noon, doon kasi ako maraming suki at saka ayoko namang makipagpaligsahan sa mga restaurant dito. Wala naman akong laban sa sosyal nilang mga menu.
Sa paglilibot ko sa lugar namin dito sa tondo, mabilis na naubos ang tinda ko, siguro mga ten minutes bago mag-uwian sina Ken.
"Uy, Keight may tinda ka pa?" Tanong ng isa sa mga nanay na suki ko. Papasok pa lang ako sa gate ng school ni Ken, ito naman ay kalalabas lang kasama ang anak nitong babae na hawak nito ng mahigpit ang isang kamay.
"Naku, ubos na po. May pumakyaw kasi kanina doon sa may contruction site." sagot ko.
"Sayang. Ang sarap mo pa naman magluto."
"Di bale, bukas ipagtitira po kita ng tinda ko."
"Asahan ko 'yan, huh."
Tinanguan ko ito at saka kami naghiwalay.
Pagpasok ko sa gate ng school ay masaya kong binabati ang mga kilala kong magulang na nasasalubong ko. Ngunit bigla akong napaatras sa paglalakad nang makita ko si Wein, kasama si Ken.
Naglalakad sila ng kapatid ko habang hawak niya ang kamay nito at mukhang may nakakatuwa silang pinagkukwentuhan dahil pareho silang nakangiti.
"I'm like a statue, stuck staring right at you,
Got me frozen in my tracks.
So amazed how you take me back,
Each and every time our love collapsed."
Malakas na musika iyon galing sa isang motorsiko. Nag slow-motion pa nga si Wein sa paningin ko.
"That you're so beautiful.
Don't wanna lose you, no."
Napaawang ang bibig ko ng mag-angat ng tingin niya si Wein at magtama ang mga mata naming dalawa.
Unti-unting nawala ang musika sa pandinig ko at napalitan iyon ng malakas na tunog ng puso kong tila nagwawala sa dibdib ko.
"Keight? Are you alright?"
Bumalik ako sa aking huwisyo. "Huh? M-May sinasabi ka ba?"
Kunot naman ang noo ni Wein habang nakatingin siya sa akin, bumaba pa nga ang tingin niya sa dala kong basket.
"Bakit may dala kang ganyan?" Tanong niya.
"Ah...naglako kasi ako ng ulam."
Mas lalong nangunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Ang kulit mo talaga, sinabi ko na ngang bibigyan naman kita ng pera kaya hindi mo na kailangang gawin 'yan."
"Wein, diba sinabi ko rin sa'yo na hindi ako sanay na gumastos ng pera na hindi ko pinaghihirapan."
Tumaas ang kilay niya. "Ows?" Yumuko siya at inilapit ang mukha niya sa akin.
"How 'bout the money you stole from me, huh?" Bulong niya kasunod ng paglayo niya ng kanyang mukha sa akin at saka siya humalukipkip.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
