Kabanata 46
Tiwala
"Thief!" Sigaw ng babaeng nakabunggo ko. "Nandito. Nandito ang magnanakaw."
"Hindi. Nagkakamali ka. Hindi ako ang kumuha ng mga 'yan." Tanggi ko sa pang-aakusa niya sa akin.
Gusto kong pulutin ang bag ko at mga gamit kong nagkalat sa sahig pero parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Sinungaling! Magmamaang-maangan ka pa, eh huling-huli ka na nga." sabi pa ng babae sa akin.
Wala akong ginagawang masama. Hindi ako guilty sa bagay na inaakusa sa akin, pero nang ilibot ko ang aking paningin sa mga taong narito ay nakaramdam ako ng hiya. Nakikita kong pinagbubulungan nila ako, habang mapanghusga silang nakatingin sa akin.
"Tawagin niyo 'yong mga pulis! Bilis!"
Naririnig ko pang sabi ng iba.
Sa takot ko ay bumagsak na ang mga luha sa mga mata ko. Napaatras pa ako sa kinatatayuan ko nang makita kong may dalawang malaking lalaki na papalapit sa akin.
"A-Anong gagawin niyo?"
Hindi ako sinagot ng mga ito. Basta na lang nila akong hinawakan sa magkabila kong braso.
"Bitawan niyo 'ko! Magpapaliwanag ako. Hindi ako ang naglagay ng mga 'yan sa bag ko. May ibang taong gumawa niyan. Hindi ako masamang tao." Umiiyak kong paliwanag sa kanila.
"Halika at dadalhin ka namin sa mga pulis." sabi ng isa sa dalawang lalaking mahigpit akong hawak sa magkabila kong braso.
"Wait! What's going on here! Bakit niyo ginaganyan ang fiancée ng anak ko!"
Galit na lumapit si tita Arabella sa akin.
Napabitaw ang mga lalaki sa braso ko nang hilain ako ni tita sa kanila at saka niya ako mahigpit na niyakap.
"Hush." Pagpapatahan ni tita habang humahagulgol ako sa kanya.
"Your daughter-in-law is a thief, Arabella." sabi ng isa pa sa mga bisita.
"What?"
Kumalas si tita sa pagyakap sa akin at nagtatanong niya akong tinignan.
"What are they talking about, Keight?"
"Look."
Pareho kaming napatingin ni tita sa babaeng nakabunggo ko kanina.
Hawak niya ang sling bag ko at nang buksan niya iyon ay inilabas niya ang mga alahas na naroon.
Nakita ko sa mukha ni tita ang pagkabigla. Nagtatanong niya pa nga akong tinignan at saka muli siyang tumingin sa mga alahas.
"These are the items that she stole from the auction."
"Did you really do it, Keight? How could you..."
"Tita, maniwala ka, wala akong kinukuha. May naglagay lang niyan sa bag ko. Promise, tita. Hindi ko kinuha ang mga 'yan."
"Tara na, nandoon ang mga pulis. Doon ka magpaliwanag."
Hinila ang braso ko ng isa sa mga lalaking humawak sa braso ko kanina.
"Sandali! Hindi ako naniniwala na magagawa ni Keight 'yan. Kaya bitawan niyo siya!"
Buong lakas na itinulak ni tita ang lalaki at muli niya naman akong niyakap. Humarang pa nga sa harap namin si kuya Wade at matapang niyang tinignan ang lalaking humihila sa akin kanina.
"Arabella, wag niyo ng pagtakpan ang babaeng 'yan kung ayaw niyong pati kayo madamay." tila nagpapayong sabi naman ng isang matandang babae sa gilid namin.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
