Kabanata 26
Hanapan
Hindi ko alam kung ano bang mali ang nagawa ko at ramdam ko na nag-iba na naman ang pakikitungo ni Wein. Pero sa akin lang, kasi okay naman sila ni Ken.
May mga araw na sobra siya kung makautos sa akin. Feeling ko katulong niya ako sa dami ng utos niya. Pati mabababaw na gawain ay iuutos niya pa sa akin, sunud-sunod pa kung minsan, tipong hindi pa ako tapos sa ginagawa ko, mag-uutos na naman siya ng panibago. Hindi lang talaga ako makapagreklamo sa kanya kasi siya ang may ari nitong tinitirahan namin ngayon ng kapatid ko. Kahit isang kusing ay wala akong ginagastos dito, kaya pakiramdam ko ay wala akong karapatang magreklamo sa kanya.
Kung may mga araw na puro lang siya utos sa akin. May mga araw naman na ang tahi-tahimik niya. Mabibilang lang sa daliri ng mga kamay ang mga salitang bibigkasin niya.
Sa mga ikinikilos niyang iyon. Damang-dama ko talaga na may hindi ako magandang nagawa sa kanya at hindi ko maisip kung ano ba ang nagawa ko at nagkakaganyan siya.
Kung hindi ko sila nakikitang magkasama ni Bethilda ay iisipin ko na nagbreak na naman sila at baka ako na naman ang ginagawang dahilan ng bruhildang 'yon. Pero hindi, eh. Sila pa rin naman hanggang ngayon.
"Wein, mauna ka na, huh. Susunod na lang kami ni Ken. Magtataxi na lang siguro kami."
Sabi ko habang kasalukuyang ibinobotones ni Wein ang manggas ng kanyang longsleeve na tila pinaghalong luntian at abo ang kulay.
Isang linggo na lang at magpapasko na, pero ngayon ay magaganap ang christmas party ng H.Co. kaya nakacasual attire si Wein. Maya-maya lang din ay magbibihis na rin ako. Invited din kasi kami ni Ken sabi ni tita Arabella.
Nag-angat ng tingin sa akin si Wein dahil sa sinabi ko. Nakakunot pa nga ang kanyang noo.
"Bakit magpapahuli pa kayong dalawa? Bakit di na lang kayo sumabay sa akin?" aniya.
"S-Syempre, dapat ikaw ang mauna. Kakausapin mo pa si tita Arabella, diba? At saka magtataka ang mga makakakita kapag lumabas ako sa kotse mo kasama ang kapatid ko. Diba, hindi nila tayo pwedeng makitang magkasama, nakakalimutan mo na ba 'yon? Hindi tayo pwedeng maissue na dalawa para wala ring issue ang lalabas, kapag sinabi na natin kay lola Eupemia at sa parents mo, na hindi na tayo magpapakasal."
Umigting ang panga ni Wein at nakita ko ang paglaglag ng kanyang mga balikat.
"Fine. Ipasusundo ko na lang kayo sa driver ni grandma. Wag kayong aalis dito ng hindi nakakarating 'yon para sunduin kayo." Matigas na bilin niya sa akin.
"Pwede naman na mag taxi na lang--"
"Sundin mo na lang 'yong sinabi ko, Keight. Pwede?" Pagputol niya sa akin sa ma-awtoridad niyang pagbigkas ng pangalan ko, may iritasyon pa nga sa tono ng kanyang boses.
Napalabi na lang ako at saka itinuon ang paningin ko sa manggas ng longsleeve niya na hanggang ngayon ay binobotones niya pa rin. Naririnig ko pa nga ang mahihina niyang pagmumura dahil sa frustration. Kaya naman, nilapitan ko siya at tinulungan.
"Bakit ba ang sungit-sungit mo na naman? Ilang araw ka ng parang masama ang loob sa akin. Kung hindi mo ako uutusan ng sandamakmak, hindi mo naman ako kakausapin. Tapos ngayon," saglit akong tumigil sa pagsasalita para tingalain si Wein at tignan siya at saka ko itinuloy ang sinasabi ko. "Ngayon, pinagsusungitan mo na naman ako. May problema ba tayo, Wein?"
Hindi niya ako sinagot agad pero nakita ko ang paglunok niya. Nakatitig lang sa akin ang kanyang malalalim na mga matang, nangungusap kung tumingin.
Ako naman ay napapatitig na rin sa perpekto niyang mukha na kahit buong araw kong pagmasdan ay hindi ko pagsasawaan.
Dinig na dinig ko ang nagwawalang puso ko na tila gustong umahon sa nalulunod ko na namang damdamin, na lumulukob sa buong katawan ko at tila patungo na sa aking kaluluwa.
BINABASA MO ANG
A Blessing in disguise (HBB #4)
General FictionAng love, dumarating ng hindi mo inaasahan. Maybe at the time na parang gusto mo ng sumuko sa buhay. Sa kabila ng patong-patong na problemang dumarating sa buhay mo, may isang taong dahilan kung bakit nabubuhay ka pa sa mundo. Maaaring siya ang hina...
